Ronda Pilipinas sisimulan sa Mindanao
MANILA, Philippines – Muling papadyak sa susunod na taon ang Ronda Pilipinas, ang pinakamalaking cycling race sa Pilipinas, tampok ang isang three-leg race na sisimulan ng Mindanao stages sa Feb. 20-27 mula sa Butuan City hanggang sa Cagayan de Oro at sa Malaybalay, Bukidnon.
Nasa ikaanim na edis- yon, magdaraos ang Ronda, inihahandog ng LBC at suportado ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa Radio-Tech 1 Corp., Maynilad at Standard Insurance, ng tatlong five-stage legs sa Mindanao sa Pebrero, sa Visayas sa Marso at sa Luzon sa Abril.
Para makasabay sa international trend, gumawa ang mga Ronda organizers ng bagong inobasyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilang kombinasyon ng road race, individual time trial at criterium races per leg.
“We need to adapt to the way races are done in the world stage as this project is to groom champions for flag and country,” sabi ni Ronda sports development head Moe Chulani.
Idinagdag ni Chulani na ipagpapatuloy ng Ronda ang pagtulong sa PhilCycling, nasa ilalim ni Abraham “Bambol” Tolentino, para sa kanilang grassroots development program sa pagdiskubre sa mga potential talents at tulungan silang mapasama sa national team members.
Sa katunayan ang Ronda, naglalatag ng milyun-milyong pa-premyo sa bawat stage at leg, ay magkakaroon ng tatlong magkakaibang overall winners mula sa Mindanao, Visayas at Luzon.
Kinuha ng Ronda ang 3Q Sports na pinamumunuan nina Quin at Jojo Baterna katuwang si Rommel Bobiles, ang mga nasa likod ng matagumpay na Giro de Pilipinas sa Subic noong Oktubre, para mapalakas ang cycling.
- Latest