PNoy binisita ng Chinese FM
MANILA, Philippines - Sa bihirang pagkakataon, dumalaw kahapon sa Malacañang si Chinese Foreign Minister Wang Yi para mag-courtesy call kay Pangulong Aquino.
Ikinagalak ng Pangulo ang desisyon ni Chinese Pres. Xi Jinping na dumalo sa APEC Leaders’ Summit sa Nobyembre 18-19. Tiniyak ng Pangulo kay Wang Yi ang warm hospitality ng mga Pilipino kay Xi.
Aasahan anya ni Xi ang mainit na pagtanggap ng mga Pilipino dahil bahagi ito ng ating kultura.
Bago ito, nagtungo si Wang sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs para makipagpulong sa kaniyang counterpart na si DFA Sec. Albert del Rosario.
Hindi naman nagbigay ng detalye si del Rosario sa napag-usapan nila ni Wang bagkus ay inilarawan lamang itong ‘good’.
Ang pulong ang unang high-level talks sa pagitan ng China at Pilipinas simula ng uminit ang isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea noong 2012.
Kahapon ay ininspeksyon din ni Aquino ang magiging venue ng APEC sa PICC, NAIA na lalapagan ng mga eroplano ng 21 state leaders, World Trade Center na magiging International Media Center (IMC) ng mahigit 4,000 mediamen mula sa iba’t ibang bansa at ang SM MOA Arena na pagdarausan ng gala dinner.
- Latest