Ibinuko ng aktres Sam urong-sulong sa panliligaw kay Maja
Napapabalitang nagkakamabutihan na diumano sina Maja Salvador at Sam Milby ngayon. Napapansin kasi ang pagiging malapit sa isa’t isa ng aktor at dalaga. “Hindi ko nga po alam kung saan galing ang balitang iyan pero magkaibigan kami ni Sam and mayroon kasi kaming group na nagkakausap sa isang phone app kaya siguro gano’n,” nakangiting bungad ni Maja.
Hindi naman daw mahirap na magustuhan si Sam ng mga babae dahil sa ilang mga katangian ng binata. “Mabait, gentleman si Sam. Urong-sulong,” natatawang pahayag ni Maja.
Posibleng ang panliligaw siguro ng aktor ang tinutukoy ng dalaga sa katagang ‘urong-sulong’.
Samantala, isa si Maja sa mga napipisil ng netizens online sa mga kwalipikadong aktres na gumanap bilang Darna kaya malaki ang pasasalamat ng aktres dito. “Salamat sa kanila kasi isa ako sa naiisip nila para sa Darna. Napaka-iconic ng role na ‘yan at malaking responsibility ‘yan dahil ilan na sa malalaking names sa showbiz ang gumanap sa role ng Darna,” pagtatapos ni Maja.
Robi tameme sa pagho-host ng girlfriend na si Gretchen Ho
Nagho-host na rin ngayon ng ilang mga programa sa telebisyon ang kasintahan ni Robi Domingo na si Gretchen Ho. Bilang bihasa na sa hosting si Robi at bilang baguhan naman sa industriya si Gretchen ay hindi na raw kinakailangan na bigyan ng tips ng aktor ang nobya upang maging magaling na TV host. “My piece of advice, I have nothing to tell her. She has been becoming great at her craft and I have to tell everyone she has really worked hard for her spot so she deserves it. Whatever happens, I’ll be supporting her,” nakangiting pahayag ni Robi.
Kahit parehong hosting ang ginagawa ng magkasintahan ay magkaibang-magkaiba naman daw ang mga manonood ng kanya-kanyang programa.
Wala naman daw magiging problema sa aktor kung sakaling magkasama sila ni Gretchen sa isang programa. “It depends with the bosses. I’m comfortable naman with anything and everyone. If Gretchen will be on the same show with me, parang nagtatrabaho lang kami, nagde-date pa kami. So okay na okay ‘yun,” pagtatapat ng binata.
Mas marami ang ginagawang programa ni Robi kumpara kay Gretchen pero napapanatili raw ng aktor na nakabalanse ang kanyang trabaho sa personal na buhay. “With everything you just have to stick to your core even. Even you have a lot of things to juggle as long as you know your core, you won’t get lost,” makahulugang pahayag ng aktor.
- Latest