Alden ginawang endorser ng pampapaputi kahit tisoy na
Nabulabog ang mga empleyado ni Bambbi Fuentes noong Huwebes dahil nabalitaan nila na may presscon para kay Alden Richards na endorser ng isang whitening pill sa isang restaurant na hindi kalayuan sa kanilang parlor.
Pabalik-balik sa restaurant ang buntis na manikurista ni Bambbi na hoping na makita nang personal si Alden pero dahil hindi invited, hindi siya pinayagan na makapasok.
Ako ang kinukulit nila at dedma ako dahil hindi rin ako invited ‘no!
Nagtataka nga ako dahil dati nang tisoy si Alden kaya paano pa makikita ang resulta ng bagong product endorsement niya?
Hindi ako bitter ‘ha? Loyal ako sa MET Tathione na si Dingdong Dantes ang endorser. At least, nakita ko ang good effect kay Dingdong ng MET Tathione dahil lalong gumanda ang kanyang skin.
Album ni Alden gold na raw pero walang suporta sa recording company?!
Fan na fan ni Alden si MJ, ang bagets sa bahay namin na 6 years old at hindi pinalalampas ang Eat Bulaga mula Lunes hanggang Biyernes.
Naloloka ako sa bagets dahil ginugupit niya mula sa lahat ng mga diyaryo ang mga litrato ni Alden.
Mabuti na lang, naalaala ko na nabigyan ako noon ng CD album ni Alden sa Universal Records. Ipinakalkal ko ang lahat ng mga CD sa bahay at masuwerte na nahanap ito.
Araw-araw nang pinapakinggan ni MJ ang mga kanta ni Alden sa lumang album nito as in memorized niya ang lyrics ng lahat ng mga kanta.
Hindi ko pa masabi sa bagets na may bago nang album si Alden sa GMA Records dahil baka kulitin niya ako.
Ito ‘yung album ni Alden na pinarangalan noon ng gold record sa Eat Bulaga kaya wondering ako. Kung talagang super hit ang single ni Alden na Wish I May, bakit hindi man lamang nagpapatawag ng presscon ang recording company bilang suporta sa kanilang sikat na sikat na ngayon na artist?
Ano ba ‘yung padalhan nila bilang pakunsuwelo, ng mga kopya ng bagong album ni Alden ang entertainment press na walang sawa na nagsusulat at sinusuportahan ang singing career ni Alden dahil mabait ito at marunong makisama? Again, hindi ako bitter. Asking lang ako dahil can afford naman ako na bumili ng bagong album ni Alden para sa bagets na kasama namin sa bahay.
Dahil sa panunulot sa handler ni Ryzza Mae Kris sinira ang chance na magka-box-office hit movie si Bimby?!
Base sa mga nababasa ko, parang hindi na excited si Kris Aquino na gawin ang filmfest movie nila ni Derek Ramsay.
Iba kasi ang excitement ni Kris noong si Quezon City Mayor Herbert Bautista pa ang dapat na leading man niya.
Kasama si Bimby Yap sa cast ng filmfest movie. Si Jack na dating handler ni Ryzza Mae Dizon ang handler ngayon ni Bimby.
Kung hindi siguro pinirata ni Kris si Jack mula sa TAPE, Inc., puwede niyang lambingin ang mga bossing ng Eat Bulaga na isali si Bimby sa cast ng My Bebe Love na siguradong pipilahan sa box-office sa December.
At kung kasama si Bimby sa pelikula nina Vic Sotto, AiAi Delas Alas, at ng AlDub, puwedeng i-claim ni Kris na kumita ang movie dahil sa kanyang anak tulad ng pralala niya nang maging number one sa MMFF (Metro Manila Film Festival) 2013 ang My Little Bossings.
Dick gordon subok na ang husay
Iboboto ko si Red Cross Chairman Dick Gordon dahil subok na ang husay niya bilang senador at pagtulong sa mga mahihirap.
I’m sure, susuportahan din ni Mother Lily Monteverde si Papa Dick dahil best of friends sila.
Magtutulong kami ni Mother Lily na maipasok si Papa Dick na maraming nabigyan ng trabaho noong siya pa ang big boss ng Subic Bay Metropolitan Authority.
- Latest