^

PSN Showbiz

Nalampasan din ang dating record sa Twitter, Eat Bulaga no commercial break ng mahigit tatlong oras!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi ako magugulat kung umabot o pumalo sa 30 million ang tweets kahapon para sa Tamang Panahon ng Eat Bulaga sa Philippine Arena dahil milyun-milyon ang nakatutok sa Saturday episode ng number one noontime show ng bansa.

Walang puwedeng mag-dialogue na hindi real and organic ang milyones na tweets sa inabangan na walang kontra na paghaharap nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Bonus para sa televiewers ang no commercial break ng Eat Bulaga na nagsimula ng 11:30 a.m at natapos ng halos 3:00 p.m.

Dabarkads namangha sa mga dumayo sa Philippine Arena

Maaga pa lang, dumayo na ang mga kababayan natin sa Philippine Arena dahil excited sila sa Tamang Panahon show ng Eat Bulaga.

Organisadung-organisado ang lahat dahil walang siksikan o tulakan na nangyari sa 55,000-seater at biggest indoor stadium sa buong mundo.

Amazed na amazed ang mga host ng Eat Bulaga dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nakapagtanghal sila sa isang napakalaki na venue na hindi libre ang admission.

Nagbayad ang mga nanood kaya tuloy na tuloy na ang mga AlDub school library na ipapagawa ng Eat Bulaga para sa mga paaralan na napili nila. Ito ang ipinagmamalaki ni Papa Joey de Leon sa kanilang show na maraming napapaligaya at natutulungan.

Alden ilang beses na namang umiyak

Naging emosyonal na naman kahapon si Alden Richards na ilang beses na napaluha dahil sa napakainit na pagtanggap ng madlang-bayan sa loveteam nila ni Maine Mendoza at sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Touched na touched si Alden dahil feel na feel niya ang sincere na pagmamahal at pagtangkilik ng mga Pinoy sa tandem nila ni Yaya Dub.

Nakakabilib si Alden dahil pagkatapos ng Eat Bulaga, dumiretso siya sa opening ng isang gym sa Marikina City.

Hindi nagkaroon ng conflict sa schedule ni Alden dahil may nagmagandang-loob na nagpahiram ng helicopter na nagdala sa kanya sa event na pupuntahan niya.

Pagkatapos ng appointment sa Marikina City, dumiretso si Alden sa kanyang show sa Alabang Town Center. Again, inihatid siya ng helicopter para hindi ma-late sa kanyang commitment. Sosyal ‘di ba?

Wally pinakabongga ang exposure sa Tamang Panahon

Lutang na lutang ang husay kahapon ni Wally Bayola sa Eat Bulaga.

Hindi madali ang kanyang ginagawa dahil papalit-palit siya ng mga karakter.

Parang The Wally Bayola Show ang nangyari sa Saturday episode ng Eat Bulaga pero hindi nagrereklamo ang madlang-bayan dahil sa galing na ipinakita ni Wally.

Si Wally ang may pinakamarami at pinakabonggang exposure kahapon sa Eat Bulaga.

Talagang hinayaan ng mga original host ng programa na mag-shine nang husto si Wally, pati na sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo at ang AlDub loveteam.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

BULAGA

DAHIL

EAT

EAT BULAGA

MAINE MENDOZA

MARIKINA CITY

MGA

PHILIPPINE ARENA

TAMANG PANAHON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with