^

Pang Movies

Parang wala sa ‘Pinas, Bea panay na ang pagsasalita ng Ingles

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Binuking ni Zanjoe Marudo sa isang interview na selosa ang nobya niyang si Bea Alonzo, pero katulad niya hindi raw ito nagpapahalata. 

Pareho raw kasi silang mataas ang ego kaya itinatago nila ang nararamdaman kapag nagseselos.

Pero bilib na bilib si Zanjoe kay Bea dahil hindi lang daw ito mapagmahal sa kanya bilang girlfriend, kundi maging sa ibang tao lalo na sa kanyang pamilya.

Marami namang natutunan si Bea kay Zanjoe tulad ng pagkahilig ng aktres ngayon sa larong basketball at golf.

Kung dati na nangingiming itago ni Bea ang feelings dahil ayaw daw niyang makita ng iba kung ano ang nararamdaman niya, ngayon all out na ito sa pagsasabi ng kanyang opinion o naiisip. Feeling secure na si Bea sa kanyang sarili ngayon.

Naitanong din ni Bea minsan sa sarili kung meron bang na-deprive sa kanya dahil buong buhay niya ay umaarte na ang aktres.  Pero mula raw nang ginawa niya ang pelikulang One More Chance na-confirm niyang calling ang kanyang pag-arte. Walang dudang ang pag-aartista ni Bea ay hindi lang niya propesyon kundi passion na rin kaya mas lalo raw niyang pinagbubutihan ang kanyang craft. Kaya wala na raw siyang hinihiling pa kundi ang ikabubuti ng kanyang pamilya at ang happiness nila ni Zanjoe.

Wish din ni Bea, na makatrabaho ang mga young generation ngayon bilang pasasalamat niya sa industry na siyang naghubog din sa kanyang pagkatao at kumikilala sa kanya bilang isa sa mahusay na aktres.

At panay na rin ang pagsasalita nito ng Ingles na may class na nga ang dating para sa kanyang pagbabago ng image.

vuukle comment

ANG

BEA

BEA ALONZO

BINUKING

KANYANG

KAYA

MARAMI

ONE MORE CHANCE

PERO

ZANJOE

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with