^

Punto Mo

Sampaguita (182)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGYAKAPAN sina Sir Manuel at Don Avelino. Mainit na mainit ang kanilang pagkikita. Pagkaraan nang maraming taon, nagkita silang muli.

“Hindi ko inaasahan ang pagkakataong ito, Kumpadreng Manuel,” sabi ni Don Avelino. “Kumusta ka?’’

“Mabuti naman, Avelino.’’

Naupo sila.

“Bakit ngayon lang tayo nagkita, Kumpadre?’’

“Siguro’y pareho tayong abala, Avelino. Ako, mayroon akong kompanya na aking napalaki at hindi ko na namalayan ang paglipas ng panahon.’’

“Parehas pala tayo Kumpadre. Marami rin akong naitatag na negosyo at naging abala. Talagang madaling lumipas ang panahon sa mga taong abala sa buhay. Akalain mo nagkita tayo pagkalipas nang maraming taon, ha-ha-ha!’’

“Siguro’y successful ka sa pag-raise ng pamilya, Avelino.’’

“Ah oo. Dalawa ang na-ging anak ko at pawang may mga sarili nang pamilya at negosyo. Ang aking wife ay namayapa last year. Masyado akong nalungkot, Kumpadre.’’

“Ikinalulungkot ko ang nangyari, Avelino.’’

“Ikaw Kumpadre anong balita sa pamilya mo?’’

“Biyudo na rin ako, Avelino. Nagkaroon ako ng isang anak pero ang malungkot ay namayapa na siya.’’

“Parehas pala tayong na­matayan.’’

Napatango si Sir Manuel.

Hanggang sa itanong ni Don Avelino kung ano ang sadya ng kaibigan.

“Ano nga pala ang sadya mo sa akin, Kumpadre?”

“Kaya ako nagtungo rito ay para bilhin --- kung papayagan mo, ang iyong lupa sa isang liblib na lugar sa Laguna. Sana ay hindi ako mabigo.’’

Nag-isip si Don Avelino.

(Itutuloy)

ACIRC

AKALAIN

ANG

AVELINO

DON AVELINO

IKAW KUMPADRE

KUMPADRE

KUMPADRENG MANUEL

PAREHAS

SIGURO

SIR MANUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with