Tolentino bumilib sa trabaho ng HPG?
MANILA, Philippines - Pinuri ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang Highway Patrol Group (HPG) sa maganda nitong trabaho, sa pagsasabing hindi kaya ng MMDA na resolbahin ang problema ng trapiko nang nag-iisa at kailangan ng tulong mula sa ibang ahensiya ng pamahalaan.
“One organization cannot do it alone. We have to reach out to other organizations. Kailangan natin ng tulong ng lahat,” wika ni Tolentino sa ipinadalang pahayag.
Nabanggit pa ni Tolentino ang ilang accomplishments ng HPG, lalo na sa Balintawak area kung saan maluwag na ang daloy ng trapiko sa nakalipas na ilang araw.
Binalewala rin ni Tolentino ang sinasabing iringan sa pagitan ng MMDA at HPG, sa pagsasabing ideya niya na kunin ang organisasyon para tumulong sa pagmamando ng trapiko sa kamaynilaan.
“We cannot solve traffic alone. I was the one who recommended that the Highway Patrol Group be put on board, kasi mas takot ang mga tao sa pulis,” wika ni Tolentino, na idinagdag pang ilan sa kanyang traffic enforcers ay nabaril pa habang ginagampanan ang tungkulin.
Sa nasabing interview, binanggit ni Tolentino na maging siya ay naipit sa trapiko noong Martes pagkatapos ng malakas na ulan na lumikha ng pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila.
“I was stuck in traffic myself for 4 hours, napansin ko walang MMDA traffic aide sa Guadalupe, I was ordering MMDA flood control to send over pumps to ease the flooding,” wika ni Tolentino.
Sinagot din ni Tolentino ang kanyang mga kritiko at iginiit na ginawa niya ang lahat para mapaganda ang trapiko sa Metro Manila.
“I have given my all sa MMDA, introduced traffic apps, ferry system, I gave my best,” giit ni Tolentino.
- Latest