^

PSN Palaro

Chemistry ang habol ng Gilas sa mini tourney

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magtutungo ang Gilas Pilipinas sa Estonia sa Russia para sumabak sa isang pocket tournament.

Ngunit nilinaw ni coach Tab Baldwin na ang misyon nila sa Estonia ay hindi para manalo kundi para makabuo ng chemistry ang Nationals.

“At this stage, we need our mind more than our heart. And that might mean we might not play our best, but I’m okay with that for as long as we improve and grow,” wika ni Baldwin.

Ang kompetisyon sa Estonia ay bahagi ng pagha­handa ng Gilas Pilipinas para sa darating na 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha, China.

“These games in Estonia might not be very pretty, but the big thing for me is to make progress,” sabi ni Baldwin.

Mas mababa sa ranggo ng Pilipinas ang Estonia, Iceland at Netherlands sa FIBA World Ranking ngunit ina­asahang mahihirapan ang Gilas dahil sa laki at lapad ng mga players ng tatlong bansa.

Ibinasura kamakailan ng Gilas Pilipinas ang pagkaka­roon sana ng training camp sa Turkey.

Nag-ensayo sa huling pagkakataon kahapon ng uma­ga ang Gilas Pilipinas training pool bago mag-impake ng ka­nilang mga maleta sa pagbiyahe sa Estonia.

Kung makukuha nila ang kanilang mga Schengen vi­sas mula sa Norway embassy ngayong araw ay tatlong araw silang magsasanay sa Baltic republic west ng Russia bago simulan ang pocket competition laban sa tatlong European teams.

Wala namang katiyakan na makakakuha sina Calvin Abueva at Terrence Romeo ng visa para makasabay sa grupo.

Sina Abueva at Romeo ay nag-apply lamang ng ka­nilang mga visa noong Biyernes ng hapon.

Ni-renew ni Abueva ang kanyang passport, habang ka­lalabas lamang ni Romeo mula sa ospital bunga ng vi­ral infection.

May walong laro sa Jones Cup at tatlo sa MVP Cup la­ban sa Jordan, Chinese Taipei at Wellington Saints ng New Zealand, magkakaroon ang Gilas Pilipinas ng ka­buuang 14 matches bilang preparasyon sa Asian meet na magsisilbing regional qualifier para sa 2016 Olympic Games sa Rio de Jainero, Brazil.

Sina naturalized player Andray Blatche, Asi Taulava, Sonny Thoss, Aldrech Ramos, Dondon Hontiveros, JC Intal, Gary David, Jayson Castro, Matt Ganuelas-Rosser, Gabe Norwood, Jimmy Alapag, Troy Rosario, Abueva, Ro­meo at practice player Moala Tautuaa ang bumubuo sa Nationals.

Sina Blatche, De Ocampo, David, Castro, Norwood at Alapag ang tanging natira mula sa Gilas Pilipinas team na kumampanya sa FIBA World Cup sa Spain noong 2014.

Aminado si Baldwin na gahol na sa paghahanda ang training pool.

“I know what’s going to happen when they put their uniforms on. They’re going to stretch themselves out and play full steam ahead, but actually I’m going to want to rein them in a little bit, because we want to be efficient,” sabi ni Baldwin.

ABUEVA

ACIRC

ALDRECH RAMOS

ANDRAY BLATCHE

ANG

ASI TAULAVA

ASIA CHAMPIONSHIP

BALDWIN

CALVIN ABUEVA

GILAS PILIPINAS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
23 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with