^

Metro

Sumumpak, bumulag sa magsyota, arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makaraan ang 10 buwan, naaresto ng mga tauhan ng Manila City Hall- Manila Action and Special Assignment (MASA)  sa bisa ng warrant of arrest ang isa sa mga suspek na sumumpak at bumulag sa isang magka­sintahan noong  Oktubre sa Sta. Cruz, Maynila.

Iniharap nina MASA chief, Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr. at  Capt. Jimmy de Pedro kay Manila Mayor Joseph Estrada ang suspek na si Rayven Apolinario Luzsuriaga, alyas Gadong, ng 1866 Oroquieta St. Sta. Cruz, Maynila na itinuturong isa sa mga sumumpak ay Christian Tejada, 21 at girlfriend na si Nicole Dizon, 19 .

Nabatid na hindi na nakapag-aral si Tejada matapos na mangyari ang insidente.

Sasagutin naman  ni Estrada ang pagpapa-opera at pagpapagamot sa mga mata ni Tejada na parehong nabulag matapos na sumpakin ni Luzsuriaga. Kaliwang mata naman ang nabulag kay Dizon.

Ayon naman  kay Mayeth,  ina ng biktima, nananati­ling nasa loob ng mga mata ng kanyang anak ang mga bala kaya’t nahihihrapan naman silang ipaopera ito sa pa­ngamba na mas lalo pang maging komplikado.

Sa pahayag naman ni Irin­co, matagal na nilang sinusurveillance ang suspek  nang  ireklamo ito ni Mayeth na palakad-lakad sa harap ng kanilang bahay. Agad namang  naglabas ng  warrant of arrest si  Manila RTC Judge Emily  San Gaspar- Gito.

Tiyempong nahuli sa aktong lumabag sa batas trapiko si Luzsuriaga kaya’t   kinompronta ng kanyang  mga tauhan at dinala sa tanggapan ng MASA.

Lumilitaw na pinagtripan ng grupo ni Luzsuriaga si Tejada habang  sakay ito ng  tricycle.

Sangkot din si Luzsuriaga sa robbery holdap at carnapping.

ACIRC

ANG

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

CHRISTIAN TEJADA

CRUZ

JUDGE EMILY

LUZSURIAGA

MANILA ACTION AND SPECIAL ASSIGNMENT

NBSP

TEJADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with