^

Kutob

Agosto 17, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Nasa pangalan ni Hesus ang kapangyarihan. Kung magtitiwala sa Kanya, anuman ang gustuhin ayon sa kalooban Niya ay makakamit mo.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag hayaan ang problema. Ang munting apoy kung hindi aagapan ay lilikha ng malaking sunog. Kung tututukan ang solusyon sa problema, tiyak mahaha­gilap. Lucky numbers at color for the day ay 19, 29, 36, 41 at mint green.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Mapapansin mo ang unti-unting panlalamig ng kaibigan o minamahal. Kung hindi mo alam ang dahilan, walang masama kung tanungin para maliwanagan. Daanin sa diplomasya ang pakikipag-usap nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 13, 21, 34, 42 at brown.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Malaki ang iyong pagkukulang sa pamilya o minamahal kaya seguro panahon na para makabawi. Kung may iuuwi kang pasalubong sa pamilya o minamahal lalong titibay ang pagmamahal at tiwala. Panahon ngayon na bumawi sa mga pagkukulang. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 27, 40 at tangerine.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Mali ang landas na iyong tinatahak. Pag-isipang mabuti ang ginagawa para hindi tuluyang maligaw. Kung ano ang masakit sa iyo ay masakit rin sa iba, kaya mag-ingat sa pananalita o sa paggawa. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 30, 39 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Masakit man, huwag balewalain ang pag-aaral mo. Ang mungkahi o suhestiyon ay dapat isa-alang-alang dahil may katuwiran sila at mali ka. Kung susundin mo ang sinabi sa iyo, may magandang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 17, 34, 40 at beige.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Nang dahil mayroon ka, huwag mag-taka kung magiging lapitin ng marami. Mas mainam ang magbigay kaysa humingi at mas maganda ang magpautang kaysa mangutang. Kung kaya, huwag tanggihan ang hihingi ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 37, 42 at emerald green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung paiiralin mo ang iyong pagka-mahiyain, talo ka dahil hindi mo masasabi ang gusto mong sabihin. Walang masama kung sasabihin ang nilalaman ng kalooban. Kung hiya ang mamamayani, hindi mo makukuha ang iyong pakay. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 36, 39 at pink.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kung dadag­dagan mo pa ang pagtitiyaga at pagsisikap, makakamit mo ang iyong minimithi. Abot-kamay na lamang ang tagumpay dahil nasa tamang landas ka. Huwag kang umatras. Huwag kang maging duwag sa iyong ikatatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 22, 37 at maroon.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Kung may lala­karin, gawin pagkalipas ng tanghalian para hindi madismaya. Gawaing bahay o opisina ang maganda sa umaga. May kalituhan ka sa iyong gawain pero kung hihimayhimayin at pag-iisipan ng mabuti may kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 17, 28, 32, 39 at peach.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Madadamay ka sa mga tao na negatibo ang enerhiya, kung hindi ka magiging matatag sa iyong prinsipyo at patakaran sa buhay. Huwag paunlakan ang udyok ng kasamahan o kaibigan dahil masisira ka at magsisisi. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 25, 34 at white.

GEMINI (Mayo 21  - Hunyo 21) – Ituloy ang bi­nabalak dahil magiging positibo ang resulta. Huwag pansinin ang kahit sino na sasalanta sa iyong mga plano. Nasa tamang landas ang iyong tagumpay, kaya huwag aksayahin ang panahon, kilos agad. Lucky numbers at color for the day ay 16, 24, 28, 44 at green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Hindi ma­ganda ang araw para sa iyo ngunit kung ma­­giging mahinahon, mapagpasensya at ma­unawain, makakaraos ng matiwasay. Iwasan ang ma­galit at ang magpadalus-dalos sa pasya. Huwag pansinin kung ano ang maririnig. Lucky numbers at color for the day ay 12, 29, 35, 37 at light green.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

IYONG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with