Mga estudyante ng CSU, puwersahang pinanood ng Binay ‘TSONA’
MANILA, Philippines – Pinaubaya ng Malacañang sa Commission on Higher Education ang pag-iimbestiga sa memo na inilabas ng Cavite State University (CSU) na nag-uutos sa mga estudyante na manood ng sariling bersyon ni Bise Presidente Jejomar Binay ng “true” State of the Nation Address (TSONA).
"Siguro po dapat i-refer na lamang 'yan sa CHED, kung mayroon bang nilabag na batas o kautusan hinggil sa pagdaraos ng assembly," pahayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr.
Sa isang kautusan inilabas ni university president Divinia Chavez noong Hulyo 30, sinabi niyang kailangang dumalo ng mga third year at fourth year students sa isang “student assembly” na inayos ng Central Student Government (CSG) ganap na alas-4 ng hapon sa Agosto 3.
"Kindly excuse from their classes those who will participate in the said event. Attendance will be checked by CSG officers," nakasaad sa kautusan.
Ito ang TSONA ni Binay kung saan muli niyang binatikos ang administrasyong Aquino at sinaluduhan ang mga nasawing miyembro ng Special Action Force sa Maguindanao.
Sinabi ng pinuno ng media affairs ni Binay na si Joey Salgado na overreacting ang Malacañang.
"Oh, you mean it was such a huge honor for Cavite State University to invite Vice President Binay that the memo failed to mention him as the Honored Guest Speaker and instead just called it a 'Student Assembly?'" pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.
"Mr. Salgado, pasensya na po, hindi po mangmang ang mga tao, at mawalang galang na po, palpak na nga po ang TSONA ni VP Binay, palpak na naman ang katwiran ninyo.”
- Latest