^

Punto Mo

‘Malayo man, abot ka namin’

- Tony Calvento - Pang-masa

MARAMI sa ating mga tagasubaybay ay salat sa buhay na kailangan pang dumiskarte para makagawa ng paraan makakuha ng pamasahe at maidulog ang kanilang problema sa atin.

Nararapat lamang na mabigyan ng pansin at puwang sa aming pitak ngayong araw ang tungkol sa mga nagtext sa amin ng kani-kanilang problema. Maliit man o malaki ay aming tutugunan ang kanilang mga katanungan.

Ang ilalakip lamang namin dito ay ang mga huling numero ng kanilang mga cellphone numbers.

*7812—“Pwede po magtanong kung pwedeng magpatulong sa problema ko na may asawa ako kasal kami kaso wala na po akong gusto sa kanya dahil inaapi niya ako pati ng magulang niya, may anak din po kami at nakakamove-on na ako sa relasyon namin. Tama po bang mag-asawa ako ulit dahil mahal ko po ito kaso kasal kami ng una kong asawa. Tulungan niyo po ako Rona po ng Quezon City.

Ang taong ikinasal na ay hindi maaaring basta na lamang magpakasal sa iba. Kailangan ipawalang bisa ang kasal sa pamamagitan ng isan ‘Annulment’ o ang tinatawag na ‘Nullity of Marriage’.

Masakit ang katotohanan na hindi kayo nagtagal na mag-asawa dahil na rin sa umano’y ipanapakita sa ‘yo ng biyenan mo.

Nung unang sinaktan ka niya dapat ay nagtungo ka sa pinakamalapit na pagamutan upang magpasuri doon. Bibigyan ka niya ng ‘medical certificate’ na magsasabi kung anu-anong mga natamo mong pinsala sa katawan at kung ilang araw ang aabutin bago ito maghilom.

Dito nakasalalay kung anong kaso ang maaari mong isampa sa kanila.

Ang tungkol naman sa umano’y pang-aapi sa ‘yo ng iyong asawa maaari kang magsadya sa pinakamalapit na Public Attorney’s Office (PAO) upang magsampa ng kasong RA 9262 o ang ‘Violence Against Women and their Children’.

*8990“Gusto ko lang po magtanong, kami po ay nanalo na sa kaso ang desisyon ng korte sa kalaban ay magbayad ng ‘Attorney’s Fee’ at magbayad din sa kung ilang taong hindi siya nagsuporta sa anak niya at magbigay din ng buwanang sustento. Pero hindi naman po siya nagbibigay ang katwiran, sarado na ang kaso. Ano po ba ang dapat gawin?”

Kailangan ninyong bumalik doon sa sala ng Judge na naglabas ng desisyong pinanghahawakan ninyo. I-report ninyo na hindi tumupad ang inyong kalaban sa iniuutos sa kanya.

Ipag-uutos ng hukom na labasan siya ng ‘warrant of arrest’ dahil sa ‘Contempt of Court’ at hindi pagsunod sa kanyang kautusan.

Mula sa texter na ang huling numero ay *1169. “Hihingi lang po ng payong legal tungkol sa napulot ng anak ko na pera. Kinuha po ng kanyang titser. Dalawang linggo na po ang nakakalipas. Kanino po ba dapat mapunta ang pera gayung wala namang umaangkin na kanya ito dahil walang anumang papeles kung sino ang may-ari nito. Ano po ang kailangan naming gawin?”

Unang-una saan ba dinala ng titser ang pera? Sa Principal ba para ipagtanong sa buong paaralan kung may nawawalan ng pera sa kanilang eskwelahan? Ang iyong anak ang nakapulot nito kaya’t kung walang umaangkin at nagsasabing siya ang may-ari hindi rin dapat ibigay sa iyong anak at ito’y ilagay sa kustodiya o pangangalaga ng tresurero ng inyong eskwelahan.

*6041—“Sir Tony kinasuhan po ako ng Unjust Vexation ng kapitbahay ko. Gusto ko pong sabihin sa Judge na guilty ako. Ano po kaya ang penalty doon?”

Ang pag-amin mo sa iyong kasalanan kung talaga namang may sala ka ay mas nakakabuti. Hindi na kayo magbabayad pa sa abogado na magtatanggol sa inyo.

Unang-una rito ang kasong ‘Unjust Vexation’ ang kasong pambarangay pa lang. Susubukan kayong pag-ayusin ng Lupon doon at kapag hindi talaga nadaan sa magandang usapan mabibigyan ng Certificate to File Action (CFA) ang nagreklamo upang maiakyat ito sa Prosecutor’s Office.

Kung pagbabasehan ang tanong mo mukhang wala na kayo sa barangay. Ang magiging parusa dito sa iyong ginawa ay ang pagbayarin ka ng ‘fine’ na nagkakahalaga ng limang piso hanggang dalawang daang piso. Walang kulong sa kasong ito.

ISANG PAGLILINAW: Hindi po ako abogado subalit simple lamang ang mga sagot sa inyong tanong na may mga kaparehong kasong inilapit sa amin. Ang pinakamabuti ay sumangguni sa Public Attorney’s Office sa inyong l;ugar.

PARA SA ANUMANG REAKSIYON o sa mga biktima ng krimen at may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

AKO

ALIGN

ANG

ANO

HINDI

KUNG

LEFT

MGA

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with