Explosion sa presinto: 4 katao sugatan
MANILA, Philippines - Apat katao ang nasugatan makaraang sumabog ang isang eksplosibo sa harapan ng police station sa madugong insidente nitong Biyernes Santo ng gabi sa Zamboanga City.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Magdalena Araneta, 61-anyos na guro; Ofelia Enriquez, 77; Victor Bartolome, 34 at ang 14-anyos na binatilyong si Marvin Esperat; pawang nilalapatan na ng lunas sa Zamboanga City General Hospital.
Ayon kay Supt. Ariel Huesca, Chief ng Police Public Safety Company (PPSC) sa lungsod, dakong alas-8 ng gabi nang sumabog ang Improvised Explosive Device (IED) sa ilalim ng isang nakaparadang Toyota Navarra sa harapan ng Ayala Police Precint sa Brgy. Ayala ng lungsod.
Kasalukuyan namang inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa isang inarestong notoryus na drug pusher na nakapiit sa detention cell ng nasabing himpilan ang nangyaring pagsabog. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending