^

Probinsiya

Chinese trader pinalaya ng Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang isang negosyanteng Chinese  na dinukot noong Pebrero 15 sa lalawigan ng Sulu. Sa ulat ng Joint Task Group Sulu, kinilala ng biktima na si Haja Dengkim Yap kung saan pinalaya bandang alas-9 ng gabi sa bisinidad ng Jolo Wharf, Port Area sa nasabing lalawigan. Bumagsak naman ang kalusugan ng biktima sa mahigit isang buwang pananatili sa kuta ng mga bandido at pinaniniwalaan ding may kapalit na ransom ang paglaya nito na iniimbestigahan pa ng pulisya. Nabatid pa na ang biktima  ay sinundo ng kaniyang mister at sumakay ng KC Beatrice ferry boat  patungong Zamboanga City. Magugunita na dinukot ang biktima sa pantalan ng Jolo saka isinakay sa Toyota Tamaraw  na nagsilbing  getaway vehicle.

ABU SAYYAF GROUP

BUMAGSAK

HAJA DENGKIM YAP

JOINT TASK GROUP SULU

JOLO

JOLO WHARF

MAGUGUNITA

NABATID

PORT AREA

TOYOTA TAMARAW

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with