Catapang nag-utos ng opensiba laban sa BIFF
MANILA, Philippines - Ipinag-utos na kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. ang all-out offensive operation laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos ang madugong Mamasapano encounter na ikinasawi ng 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao may isang buwan na ang nakakalipas.
Ang opensiba ay upang bigyang proteksyon ang komunidad sa Central Mindanao laban sa pag-atake ng BIFF na sangkot sa panghaharass ng mga sibilyan na sinunog ang mga kabahayan.
Nitong linggo, ay inianunsyo ng mga opisyal na tinatayang nasa 20 hanggang 30 BIFF ang napaslang sa “military bombardment” sa pinagkukutaan ng BIFF sa Cotabato.
Pinaalalahanan rin ni Catapang ang lahat ng unit commanders na isagawa ang law enforcement operations na may koordinasyon sa PNP alinsunod sa mga panuntunan sa mekanismo ng tigil putukan sa MILF kaugnay ng isinusulong na peace talks ng gobyerno.- Joy Cantos-
- Latest