^

PSN Showbiz

Jasmine hindi na nagpapahuli kay Anne!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman pagtatakhan kung bakit patuloy ang mabilis na pag-usad ng career ni Jasmine Curtis-Smith. Dedicated siya sa kanyang trabaho at ayaw niyang pansinin ‘yung mga bagay na humahadlang sa kanyang growth as an artist. Katwiran niya ma­kapagbi­bigay lamang ‘yun ng mga negatibong bagay na ma­aaring humatak sa kanya pababa. Tulad ng pagpatol sa hanggang ngayon ay ayaw pa ring ma­tigil na pamba-bash sa kanya dahil lamang sa naugnay siya at nakasama niya sa isang proyekto si Daniel Padilla. Mabuti lamang at nang mangyari ito ay mayro’n siyang karelasyon kaya wa­lang makapagbibintang sa kanya na nang-aahas siya ng dyowa ng iba.

Pero hindi rin naman natin masisi ang young actor ma-attract sa kanya. After all, bukod sa maganda ay matalino rin at mabilis natututo sa kanyang trabaho ang aktres. Para saan pa at nanalo siya bilang Best Supporting Actress sa Transient kung hindi niya ito mapapangatawanan at masusundan pa ng award? At kung pagbabasehan ang husay na ipinamalas niya sa movie na Dimentia na nagtatampok kay Nora Aunor, aba eh nasa magandang posis­yon siya. Magaling siya sa nasabing movie. Sa ganda ng mga ginagawa niyang proyekto, mukhang mabilis niyang makakaagapay sa kanyang Ate Anne.

Bedazzled show sa Club Mwah magdadagdag ng repertoire

Magdaragdag sa kanilang repertoire ang mahigit isang dekada nang ginaganap na Bedazzled show ng Club Mwah sa kanilang ika-11 anibersaryo. Pawang mga excerpts ng popular Broadway shows ang kanilang gagawin tulad ng Phantom of the Ope­ra, Miss Saigon, Chicago at marami pang iba.

Ang walang kapagurang Follies de Mwah ang mu­ling maghahatid sa kanilang mga kliyente ng mga nasa­bing palabas na binigyan ng bagong choreo­gra­phy ng kanilang creative director at performer na si Cris Nicolas.

Mga bagong performer din ang masasaksihan ng mga manonood na pawang mga kabataan at su­­ma­ilalim sa masusing pagsasanay. Bago din ang mga cos­tume na fully beaded at props na talagang ha­ha­ngaan mo sa kanilang magandang pagka­ka­gawa.

Ang bersyon ng Follies de Mwah ng Singkil ang isa sa pinakamaganda na mapapanood dito sa ating bansa. May twist din na inilagay si Cris Nicolas sa sayaw na nagpapakilala sa Pilipinas sa ibang bansa. Bukod sa Singkil may dalawa pang Filipino dance na idinagdag na mapapanood ngayong buwan ng selebrasyon ng ika-11 taong pagkakatatag ng Club Mwah.

Tumatanggap din ang Club Mwah ng mga events tulad ng birthdays, anniversary, seminars, wedding receptions, product launchings, concerts, at mara­ming pang paparty. Puwede ring madala ang Follies de Mwah sa mga okasyon at palabas sa out of town at ma­ging out of the country. Maraming dignitary na ang nakasaksi sa mga palabas sa Club Mwah na nagnanasang mai-promote rin ang bansa sa pamamagitan ng mga local na sayaw na nadagdag ngayon sa kanilang repertoire. Maaring tumawag sa 5357943 o 5322826 for reservation.

ATE ANNE

BEST SUPPORTING ACTRESS

CLUB MWAH

CRIS NICOLAS

DANIEL PADILLA

MWAH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with