^

PSN Showbiz

Parang laging pagkakaguluhan ang pakiramdam: Young actor sobrang feeling sikat, balut na balot habang naglalakad sa tabing-dagat!

UBOS Cristy - Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagtatawanan ng mga bakasyunista sa isang sikat na isla ang isang young actor na masyado raw feeling-sikat. Takot na takot siyang lumabas sa tinutuluyan nilang hotel dahil baka raw siya pagkaguluhan ng mga nakakakita sa kanya.

Tanong siya nang tanong sa mga room boys, marami raw bang tao sa dalampasigan, anong oras daw ba kokonti lang ang tao para du’n na lang siya lumabas.

Natural, ayaw naman siyang ipahiya ng mga  tinatanong niya, kaya ang sabi na lang sa kanya ay lumabas siya nang tanghaling-tapat at kokonti lang ang mga nagsu-swimming sa ganu’ng oras.

Kuwento ng aming source, “Pinagtatawanan siya ng mga room boys, paano nga, e, sobrang feeling siya. E, kung ang mga tinatanong nga niyang iba, e, hindi naman siya kilala, nakakaloka ang young actor na ‘yun!

 “So, lumabas nga siya ng hotel nang tanghaling-tapat. Naka-shades siya, jacket na may hoody, para hindi siya makilala. At tama! Wala naman talagang nakakakilala sa kanya!

“Magtanggal man siya ng mga suot niyang shades, jacket at kung anu-ano pa, e, wala rin namang magkakagulo sa kanya! OA naman ang young actor na ‘yun! Ano’ng akala niya sa sarili niya, heartthrob siya?” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Pagbalik kuno ng young actor sa hotel ay nagyabang pa siya, ang kuwento niya sa mga room boys, “Tama ang ginawa ko, nag-incognito ako, walang nakapansin na ako na pala ang lakad nang lakad sa seashore!”

May kaangasan nga ang young actor na ito na kaya lang naman nagkaroon ng mga proyekto sa isang malaking network ay dahil “alaga” siya ng isang gay executive. Una munang naging boy toy ng isang parlorista ang young actor na ito na maiuugnay sa isang malaking ibon ang apelyido.

Ubos!

Noon at ngayon: Kris wagas daw ang pagiging ‘gamitera’

Ayan, dahil sa napakanegang dating ngayon ni Kris Aquino pati na ang kanyang kapatid na pangulo ay nauungkat tuloy ang kanyang mga kalokahan, sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ay pinagpistahan tuloy ang pagiging user niya.

“Who’s sikat today?” ‘Yun daw ang paboritong litanya ni Kris sa paggising pa lang niya. Sasagot daw naman ang kanyang tinanong, “Madam, si ganito at ganyan po. Ang dami-dami na niyang fans!”

Ang kasunod na sasabihin naman daw ni Kris, “Okey, alamin mo kung ano’ng favorite niya, buy ka, ipadala mo sa kanya!”

Sabi pa ng source, “Basta kinaibigan ni Kris, siguradong sikat na ang personality. Hindi naman kasi niya kinakaibigan ang walang name! Reregaluhan niya, ike-claim niyang close na sila, ganu’n ‘yun!”

At naglitanya naman ng mga pangalan ng mga sikat na artista nu’n ang isa pang impormante, nakipag-close daw si Kris sa mga pangalang ‘yun, dahil sikat sila.

Aga Muhlach, Alvin Patrimonio, Richard Gomez, Robin Padilla, Gabby Concepcion at marami pang iba. Sa mga kasalukuyang artista naman ay gumawa rin siya ng paraang maka-close sina Judy Ann Santos, Kim Chiu, Vice Ganda, Toni Gonzaga, Coco Martin at Daniel Padilla.

“Kahit sa ibang mundo, kapag umiiral ang pagiging manga (read: user, manggagamit) niya, gumagawa siya ng way para maka-close niya ang mga taong sikat sa field nila. Hindi siya titigil, ‘yun si Kris!” komento pa ng source.

At sa nasabing umpukan ay may umatake pa ng pa-blind item, “O, di ba, galit siya dati kay ____(pangalan ng isang female personality)? Insecure siya du’n, pero pustahan tayo, makikipag-close siya du’n ngayon dahil kailangan niyang magpabango ng pangalan!

 “Magbilang na lang kayo ng araw, may mangyayaring kakaibang senaryo. Tandaan n’yo, ayaw niya sa female personality na ‘yun, ha?” biting pang blind item ng impormante.

Ubos!

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALVIN PATRIMONIO

COCO MARTIN

DANIEL PADILLA

GABBY CONCEPCION

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with