^

PSN Showbiz

KC may ‘problema’ pa kay Paulo!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi kaya naman nahihirapan si KC Concepcion sa walang kalinawang relasyon nila ni Paulo Avelino? Obvious sa kanilang guesting na dalawa sa Gandang Gabi Vice na nasa kanya ang problema. Siya kasi ang parang hindi pa sigurado sa aktor at si Paulo naman ay naghihintay lamang sa magiging kapasyahan niya.

Biruin mo, sinasabi nilang hindi pa sila, pero, lumalabas na sila, may paboritong kanta, may tawagan na at kung anu-ano pang senyales ng mga magkakarelasyon.

Maswerte lamang si KC dahil parang sa relasyon nila eh, si Paulo ang mas nagmamahal kaya maaasahan siyang hindi agad susuko sa “pagpapahirap” ng anak ni Megastar Sharon Cuneta.

Pokwang pilit ang pagka-in love sa kanong leading man?!

Ewan ko lamang kung hindi nalilito o nasisira ang ulo ng banyagang kapareha ni Pokwang sa kanyang ikalawang TFC movie na Edsa Woolworth.

Sa lahat kasi ng guesting nila  ay pinalalabas sila na isang item. Hindi bale sana kung totoong may koneksyon sila ni Pokwang dahil kung wala, parang forcing through naman ang paglalagay ng romansa sa pagitan nila. Kung bakit naman kasi kailangang may romansa ang dalawang bida ng movie. Hindi ba pwedeng i-promote ang movie nila dahil maganda ang istorya nito o maga­ling ang pagkakaganap ng mga artista nito kesa naman pilitin ang tao na maniwalang may romansa na namamagitan kay Pokwang at sa kapareha niya?

Bimby priority na ang trabaho!

Mukhang pangangatawanan ng Star Cinema ang pagbi-build up sa anak ni Kris Aquino na si Bimby Yap para maging malaking artista. Nagpa-plano na sila na gawan ng isang solo movie ang batang artista na may dalawang blockbuster films sa dalawang magkasunod na MMFF,  ang My Little Bossings ng M-Zet at ang The Amazing Praybeyt Benjamin sa Star Cimema.

Kung sakali, paano na ang sinabi ni Kris nun na tuwing Pasko lamang mapapanood ang kanyang anak dahil prayoridad nito ang kanyang pag-aaral?

Siguradong maaapektuhan ng gagawin niyang movie ang studies ni Bimby dahil bukod sa shooting at promosyon, kinakailangan niyang mag-undergo ng workshop para mapagaling ang kanyang pag­arte. May isa pa ring magiging problema si Kris dahil naipangako na niyang ipahihiram ang anak kay Bossing Vic Sotto para sa susunod na MMFF?

At si Papa James Yap, payag ba itong mag-concentrate sa paggawa ng movie ang kanyang anak?

vuukle comment

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN

BIMBY

BIMBY YAP

BOSSING VIC SOTTO

EDSA WOOLWORTH

GANDANG GABI VICE

KRIS AQUINO

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with