JC babae na lang ang kulang
Takot sa multo si JC de Vera, pero magkasunod na horror movies ang ginawa. Una ay ang Shake, Rattle & Roll XV at kasunod ang Halik Sa Hangin ng Star Cinema na showing sa January 28. Sa Baguio City kinunan ang ibang eksena, particularly sa Old Diplomat Hotel na location ng ibang horror movies.
Isa ang Halik Sa Hangin sa nagpaganda ng simula ng 2015 ni JC kung saan first time niyang makatrabaho sina Gerald Anderson at Julia Montes. Masusundan ito ng another big project sa TV naman dahil kasama siya sa cast ng teleseryeng Will Never Say Goodbye ng ABS-CBN.
Na-achieve rin ni JC ang dream na madagdagan ang endorsement dahil endorser siya ng Dental Focus.
“To continue working hard” ang goal ni JC for 2015 at kasama rito ang lumaki pa ang co-owned niyang The Burgery Restaurant at magbukas ng branch sa Quezon City.
Lovelife na lang ang kulang kay JC at kung susundin ang gusto ng fans, isa kina Julia Montes na kasama niya sa Halik Sa Hangin at Jessy Mendiola na kapareha niya sa Will Never Say Goodbye ang choice nilang maging GF niya for real.
Miriam feeling lucky sa pagiging ‘instant mommy’!
Hindi na pala si Annabelle Rama ang manager ni Miriam Quiambao. In fact, wala siyang manager ngayon at deretso sa kanya ang offers na dumarating. Balik-drama siya sa Second Chances ng GMA-7 na per show ang kanyang kontrata. Given the chance, gusto niyang mag-host ng talk show.
Excited si Miriam na gampanan ang role ni Alyssa, ang maganda at mabait na executive assistant ni Federico (Roi Vinzon). Masaya rin siya to be working with the cast, na karamihan ay ngayon lang niya nakatrabaho.
Samantala, bagay kay Miriam ang mapasama sa cast ng Second Chances dahil nagkaroon siya ng second chance sa pag-ibig. Masaya ang married life nito sa piling ng asawang si Ardy Roberto at tunay na anak na rin ang turing niya sa anak ng asawa sa pumanaw nitong misis.
Nang mag-celebrate ng seventh birthday si Joshua, isang heartwarming message ang pinost ni Miriam sa Instagram (IG) na tiyak ipinagpapasalamat ng bata. Part ng post ni Miriam: “Great things are in store for you, my son! I am so blessed to have you. You are the best first son a mother could ever have! #luckymeinstantmommy #JoshuaTurns7.”
Francis nanghihinayang kay Barbie
Hindi disappointment, kundi lungkot ang naramdaman ni Francis Magundayao nang hindi dumating ang leading lady niyang si Barbie Forteza sa presscon ng pelikula nilang #ewankosau Sarangheyo. Makakatulong daw sana sa promo ng movie kung dumating ito at masaya sana dahil sa presscon lang sila magkikita uli.
Naniniwala si Francis na may rason si Barbie sa hindi nito pagsipot sa presscon. Bale ba, hindi rin ito makakasama sa mall tour nila sa SM Iloilo sa January 16 at sa Ayala Mall sa Cebu sa Jan. 24. Sana raw ay makarating ang teen actress sa premiere night ng movie sa Jan. 18, sa SM North The Block Cinema 2.
Maganda ang trailer ng #ewankosau Sarangheyo sa direction ni Roman Perez Jr., at sana nga, ma-tap nila ang target audience na young moviegoers na mahilig sa K-pop (Korean Pop) Culture. Tiniyak ng director na magugustuhan ng moviegoers ang pelikula kahit ‘yung hindi fan ng K-Pop at matutuwa sila sa tambalan nina Francis at Barbie.
Love story nina Jennylyn at Derek pilit hinihiritan ng part 2
Wala nang update sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado sa kinita ng English Only, Please at nag-stop sila sa pagpo-post ng box-office gross ng movie at P135-M. The other night, muling nagkita-kita ang buong cast ng movie kasama ang producer ng Quantum Films na si Atty. Joji Alonso para sa victory party sa success ng movie.
Sabi ni Derek, “favorite cast ever” niya ang mga kasama sa EOP, mami-miss niya sina Jennylyn at wish nitong magkatrabaho uli sila ni Derek.
As of today, sa Second Chances ng GMA-7 napapanood si Jennylyn at si Derek mapapanood sa Extra Challenge: Kaya Mo Ba ‘To at sa rom-com series na Mac & Chiz ng TV5.
- Latest