^

PSN Showbiz

Aktres naniniguro sa career? Bagong may-ari ng GMA 7 ninong nina Heart at Chiz; Jake ginagamit si Ellie para makabalikan si Andi?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Maganda ang feedback sa pagsisimula ng Second Chances  kamakalawa ng gabi. Mismong si Dennis Trillo ay tumutulong din sa pagpu-promote ng naturang drama series ng GMA Telebabad.

Nu’ng araw na iyun ay nag-post si Dennis sa kanyang Instagram (IG) account ng layout ng Second Chances at may caption na “Mamaya na”.

Sa post na iyon ay nag-Thank You si Jennylyn Mercado kay Dennis.

Lalo tuloy silang napagdudahang nagkakamabutihan dahil sa closeness nilang dalawa.

PAK: Sinorpresa ni Sen. Chiz Escudero si Heart Evangelista sa kanyang bridal shower na ginanap sa Fernbrook Gardens sa Las Piñas noong isang gabi.

Bale pang-apat na bridal shower na iyon ni Heart, at ito ay bigay ng GMA-7 sa Kapuso actress.

Ayaw kasi ni Heart ng may stripper, kaya ang lalaking special guest sa party ay mismong si Sen. Chiz na may dalang bulaklak sa kanyang wife to be.

Gulat na gulat si Heart dahil bago dumating si Sen. Chiz, kinukuwento pa naman niya kung paano raw tinawad-tawaran ng senador ang mga suppliers nila para makatipid lang sa gastusin.

Nu’ng araw ding iyun ay nagsimula na rin silang mamudmod ng mga imbitasyon.

Elegante ang imbitasyon na kulay gold ang text.

Labinlimang pares ang mga ninong at ninang at kapansin-pansin na kumpleto ang mga boss ni Heart na tatayong ninong at ninang kagaya nina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Mr. Ramon Ang, Mrs. Lilybeth Rasonable, Mrs. Marivin Arayata, pati si Boss Vic del Rosario.

Ilan pa sa mga taga-showbiz na kasama sa principal sponsors ay sina Susan Roces, direk Bibeth Orteza, at Mel Tiangco.

Isa sa mga bridesmaid si Lovi Poe. Kaya magkikita sila roon ni Manay Susan Roces.

BOOM: Sa social media pa rin nagpapatutsadahan sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito, kung saan inilabas ng huli ang anak ni Andi na si Ellie.

Inilabas niya ang bagets nu’ng nakaraang Linggo at ipinost sa kanyang IG ang picture nilang magkasama.

Nagtataka kami kung paano niya ito inilabas na hindi nalalaman ni Andi. May basbas ba ito ng young actress?

Kinabukasan naman kasi ay nag-post si Andi sa Twitter account niya ng “My child is not a toy you owned and never played with, that you can just take back cus someone else look interest in it.”

Ginagawa kaya ito ni Jake para makipagbalikan siya uli kay Andi?

Nasabi raw noon ni Jake na gusto niyang ma­kipagbalikan kay Andi sa susunod na buwan.

Sa tingin ni Andi, hindi mangyayari ‘yan, at kung ano man daw ang gustong sabihin ni Jake sa kanya, huwag na raw idaan sa ibang tao, kundi sabihin na raw sa kanya deretso.

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

BIBETH ORTEZA

BOSS VIC

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

DENNIS TRILLO

FELIPE GOZON

SECOND CHANCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with