^

Pang Movies

10 years pa raw ang balita, Piolo pinagtawanan ang bintang na ampon daw niya si Iñigo

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon kahapon para sa Silka Papaya Soap kung saan ay si Piolo Pascual ang pinakabagong endorser, nilinaw ng entertainment press sa Ultimate Heartthrob ang tungkol sa isyung hindi raw niya anak si Inigo Pascual at ang magulang daw nito umano ay ang kapatid niyang babae.

 “How sad,” nakangiting sambit ni Piolo.

 “Sa kanila na, sa kanila na ‘yung bata,” sabay-tawa.

Dagdag niya, “hindi ko na kailangang i-prove ‘yun. I mean, you know, that answer had been dealt with, hindi na kailangang. . .

 “Pathetic naman ‘yun, manggagamit ka ng tao, hindi na kailangang patulan ‘yung mga ganu’n.”

Hindi na raw siya naaapektuhan sa mga ganyang intriga at isang bagay lang na makakaapekto sa kanya ay pag nasaktan ang kanyang anak.

 “I’ve been dealing with it more than 10 years, ngayon pa ba? Papatulan ko pa ba ‘yang mga ganu’n, eh umabot na nga sa kung ano-anong issue. Hindi na. Okay naman, we’re good,” he said.

Natutuwa naman si Piolo na very positive na bata ang anak niya at hindi raw naaapektuhan ng ganung intriga.

 “He’s very positive. Alam naman niya kasi na may mga tao talaga na may magtatanong, may mga tao na magsasabi ng ganito, ganyan. And what’s important is what we have.

“So, okay naman ‘yung bata, hindi siya showbiz at hindi rin siya naniniwala o nakikinig sa mga (ibang tao),” say pa ni Papa P.

Last January 12 ay nagdiwang ng kanyang ika-38 na kaarawan si Piolo at say niya, pamilya lang daw niya ang kasama niya sa espesyal na araw na ‘yun.

“Dapat matutulog lang ako, eh. Eh kaso, my family prepared a surprise dinner for me with some close friends last night. It’s a stone’s throw away from where I live, nilakad ko lang and everyone was there.

 “Okay naman, my son (Inigo Pascual) was there, I’m happy because he spent the last three days with me. When I arrived from the States, he made sure na wala siyang work, siya mismo ang nagpa-block off, kasi he’s starting a movie now, mas busy pa nga sa akin ang anak ko, eh.

 “So, sabi ko, “just let me know when you’re free, ako ang maga-adjust sa schedule mo”. Wow!” natatawa niyang say.

Wala raw siyang birthday wish for himself kundi para lang sa anak niya.

 “Hindi kasi madali ang pinasukan niya, kala niya kasi, nakikita niya ako, ganu’n lang kadali ‘yun, ‘di ba? So, ang wish ko lang, ang prayer ko lang, huwag niyang makalimutan ‘yung pinag-usapan namin, huwag niyang kalimutan ‘yung core niya. Di ba kasi, once na ma-corrupt na ‘yan, once na maka-experience na ng success, fame, money, adulation, baka pumunta sa utak, eh.

 “So ‘yun lang ang pine-pray ko. Na huwag niyang kalimutan ‘yung pinagsimulan,” he said.

Wala ba siyang wish for himself na magkaroon na ng love life?

“He (Inigo) turns 18 this year and I still have 2 more years before I turn 40, so I guess, it will come at a right time. Gusto ko sana, this year pero I promised my son because lumaki siya sa States, hindi ko nabigyan ng oras, so every chance that we get to spend time with each other, mas gusto ko itutok sa kanya para at least, kung anuman ‘yung pagkukulang ko sa kanya during the last few years na hindi ko siya kasama, bago man lang siya mag-18, magawan ko ng paraan,” he said.

Sa kanyang career naman, natanong si Piolo kung tuloy pa ba ang movie nila ni Sarah Geronimo at ayon sa aktor, hindi pa raw niya masabi.

“With the recent developments parang hindi na tuloy ‘yung Sarah but I cannot speak for Star Ci­nema. I will only find out once I meet with them next week, kung ano ‘yung matutuloy”.

Kung sakali, baka ibang movie na raw ang gagawin niya.

Nanghihinayang man daw siya dahil gustong-gusto niyang makasama si Sarah, siyempre, management decision pa rin daw ang masusunod.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

LANG

LAST JANUARY

NIYA

PIOLO

SIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with