^

Bansa

Taguig ads hindi galing sa local gov’t fund – city dad

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginiit ni Taguig City Councilor Darwin Icay na walang pondo mula sa kaban ng pamaha­laang lungsod ang gi­namit para sa mga patalastas at wala ring ka­totohanan ang sinasabing halaga na ginastos para rito.

Wika pa ni Coun. Icay, walang basehan ang akusasyon laban kay Sen. Alan Peter Caye­tano at maihaha­lintulad ito sa kasinunga­lingan na ginawa kay dating Makati City Vice-Mayor Ernesto Mercado, nang sabihin at akusahan ni Rep. Toby Tiangco at ng UNA si DILG Sec. Mar Roxas na binisita ng kalihim ang dating bise alkalde  nang na-confine ito sa UERM Medical Center, subalit mariing pinasinungalingan at nilinaw sa publiko ng pamunuan ng ospital na walang katotohanan.

Hinamon din nito si Rep. Tiangco na magpa-drug test dahil sa ginagawa nitong mga kwento na baka bunga daw ng hallucination nito dahil sa sobrang pag-atake ng kanilang kalaban at dahil sa pagtatanggol kay Binay.

Aniya, malaki ang kaibahan ni Cayetano kay Binay dahil direktang sumasagot ito sa isyu hindi tulad ni Binay sa akusasyon sa kanya sa Makati parking building at hacienda sa Batangas.

Aniya, palaging si Sen. Cayetano ang na­pagbubuntunan ng mga atake mula sa kanyang mga isinisiwalat na sangkot sa katiwalian subalit hindi siya natitinag o magpapaapekto at kailanman ay hindi isusuko ang kanyang paglaban sa mga tiwali.

vuukle comment

ANIYA

BINAY

CAYETANO

MAKATI CITY VICE-MAYOR ERNESTO MERCADO

MAR ROXAS

MEDICAL CENTER

PETER CAYE

SHY

TAGUIG CITY COUNCILOR DARWIN ICAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with