Ryzza Mae matino nang sumagot
At her age, kapuri-puri nang matatawag si Ryzza Mae Dizon. Kakaunting mga bata na sing edad niya ang nakasasagot na nang matino sa pangungulit ng movie press. Tulad ng pag-ayaw niyang pagkumparahin ang mga nakasama niya’t nakatrabaho na kapwa niya bata. Isa na nga rito sina Bimby Aquino Yap na nakasama niya sa My Little Bossings at Alonzo Muhlach sa My Big Bossing para sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).
“Bimby is older than Alonzo,” ang pa-Ingles na wika nito. Pero ‘di tulad ng anak ni Kris Aquino na sa pelikula lamang niya nakasama, si Alonzo ay may ilang linggo nang bisita niya sa The Ryzza Mae Show at sa malas, tanggap sila ng manonood.
Inamin ni Bossing Vic Sotto na propesyunal na si Ryzza Mae, dahil sa Sirena episode ng My Big Bossing ay gusto nitong maging perfectionist.
Ang dalawa pang kuwento sa My Big Bossing ay ang Prinsesa at Taktak na kung saan ay parehong andun sila ni Vic.
Sheryl Cruz ayaw muna ng seryosong relasyon
Matapos ang matagal-tagal din niyang hindi pag-iintindi sa kanyang sarili at binigyan ng priority ang kanyang nag-iisang anak na babae, sinabi ni Sheryl Cruz na may mga nanliligaw na sa kanyang muli. Pero kahit ikinatutuwa niya ang pangyayaring some men still find her attractive, sa ngayon ay friendship pa lamang ang puwede niyang ibigay sa kanila. Bata pa ang anak niyang si Ashley at ito pa rin ang prayoridad niya sa ngayon. Hindi niya ito maasikaso at ang kanyang magandang career kung magkakaro’n ng isang permanenteng lalaki sa buhay niya.
“Tama na muna ‘yung may nanliligaw sa akin. Sa edad kong 40, nakakataba ng puso na malaman na may pumapansin pa rin sa aking lalaki. Pero hindi pa muna seryosong relasyon ang hanap ko. Tama na muna ‘yung nanliligaw lang. Like I said, si Ashley ang priority ko at ang trabaho ko,” anang dating child star na bumabanat sa pagganap ng kontrabida roles.
Tigang na tigang na John isang dekada nang walang lovelife!
Kung sina Ryzza Mae Dizon at Vic Sotto ay tumawid sa tatlong episode ng My Big Bossing, ganun din ang ginawa ni John Lapus sa Shake Rattle & Roll XV. Tatawid siya sa tatlong episode ng pelikula na may pamagat na Ulam, Flight 666, at Ahas. Ayaw niyang sabihin kung ano ang mangyayari sa character niya sa pagwawakas ng pelikula maliban sa “Friend ako ng mga bida ng tatlong episodes at konsepto ‘yun ni Roselle Monteverde.”
Isang freelancer si Sweet na hindi lamang sa pelikula nakakatawid ang mga character na ginagampanan, maging sa trabaho ay malaya siyang nakakalabas sa iba’t ibang produksyon kapag may kumukuha ng serbisyo niya. Officially, ay isa siyang Kapamilya, pero nakapagtatrabaho siya sa GMA at sa TV5 ay may gagawin siyang sitcom na may titulong Mac & Chiz kasama sina Derek Ramsay at Empoy.
Pero kung masuwerte si Sweet sa career para namang hindi siya kasing suwerte sa pag-ibig. “Naiinggit nga ako sa mga kaibigan kong may dyowa pero, ako 10 years nang loveless. Sa Pasko nga pamilya ko’t gay friends ang Kapaskukan ko. Tatlong taon nang ganito ang eksena ko tuwing Pasko. After 12 midnight go sa house ko ang mga gay friends ko. Inuman lang kami at naggi-games. Ganun lang pero, ang saya,” kuwento ng komedyante na hindi pa natatapos bayaran ang bahay niya pero nakumbinse ni Pokwang na bumili ng bahay sa Antipolo.
“Wala kasi kaming probinsya. Gusto kong may mauwian para magbakasyon o magpalipas lamang ng ilang araw kapag nababagot na ako sa siyudad. Malapit ko na namang matapos ang pagbabayad sa tinitirhan ko ngayon kaya nag-iisip akong magkaron ng bahay sa probinsya. Baka nga sa Antipolo ay maghanap ako,” sabi niya.
- Latest