^

PSN Palaro

Aces kakatok sa semis vs Kings

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalo pang palalakasin ng Alaska ang kanilang tsansa sa isa sa dala­wang automatic semifinals berth, habang patitibayin ng Barangay Ginebra ang kanilang pag-asa sa ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Lalabanan ng Aces ang Gin Kings ngayong alas-7 ng gabi matapos ang sal­pukan ng Barako Bull at NLEX sa alas-4:15 ng hapon sa 2014-2015 PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magkasalo sa liderato ang Alaska at ang San Mi­guel sa magkatulad nilang 8-1 record kasunod ang Rain or Shine (7-2), Talk ‘N Text (6-3), Ginebra (5-4), nagdedepensang Purefoods (5-4), Globalport (5-5), Meralco (4-5), Barako Bull (3-6), NLEX (3-6), Kia (1-8) at sibak nang Blackwater (0-10).

Nanggaling ang Aces sa come-from-behind 90-84 win laban sa Road Warriors noong nakaraang Biyernes, habang nakalasap ang Gin Kings ng 77-98 kabiguan sa Batang Pier noong Linggo.

Sa tournament format, ang Top Two teams ang awtomatikong aabante sa Final Four at ang mga uupo sa No. 3, 4, 5 at 6 ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 7, 8, 9 at 10 sa quarterfinals.

Muling aasahan ni coach Alex Compton para sa Alaska sina Cyrus Baguio, JVee Casio, Calvin Abueva, Dondon Hontiveros, Sonny Thoss at Vic Manuel katapat sina Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, LA Tenorio, Japeth Aguilar at seven-foot center Greg Slaughter ng Gin Kings ni Jeff Cariaso.

Kasalukuyang nasa three-game losing skid ang Ginebra.

Sa unang laro, pag-aagawan ng Energy at ng Road Warriors ang No. 8 ticket bago matapos ang single-round eliminations.

Kukumpletuhin ng NLEX ang Last Eight kung tatalunin nila ang Barako Bull.

 

ALEX COMPTON

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

CALVIN ABUEVA

CYRUS BAGUIO

DONDON HONTIVEROS

GIN KINGS

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with