^

PSN Palaro

Asian juniors championships: Indian IM piniga si Garcia

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinolo ng nagdedepensang kampeon na si IM Srinath Sarayanan ng India ang liderato sa  juniors division nang talunin si Filipino IM Jan Emmanuel Garcia gamit ang Ruy Lopez sa fourth round ng 2014 Asian Juniors and Girls Championships ka­hapon sa Tagaytay International Convention Center.

Puting piyesa ang ginamit ni Sarayanan at umabot ang laro laban sa second seed na si Garcia sa 48-sulong bago kinuha ang nangungunang 3.5 puntos.

Kapos sa pangalawang puwesto si FIDE Master Paulo Bersamina (3) dahil na­hiritan siya ng draw ni Haque Siam Ikra­­mul ng Bangladesh sa 62-moves ng Guico Piano.

Si Garcia na co-leader matapos ang ikatlong round, ay nanatili sa 2.5 puntos .

Nanalo si Candidate Master Marc Christian Nazario kay Al Rashedi Mayed ng United Arab Emirates at wagi si Alza­rovniAhmad ng UAE kay Renz  Marvin Santos para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

 Nangunguna sa kababaihan si Kazakh WFM Sholpan Zhylkaidarova sa 3.5 puntos nang manaig kay PV Nandhidhaa ng India.

Ang top seed na si WIM Furtado Ivana Maria ng India ay nagwagi kay Filipino WFM Shania Mae Mendoza para makasama ng mga kababayang sina Joshi Supriya, J. Saranya at Rucha Pujar sa ika­lawang grupo taglay ang tatlong puntos.

 

AL RASHEDI MAYED

ASIAN JUNIORS AND GIRLS CHAMPIONSHIPS

CANDIDATE MASTER MARC CHRISTIAN NAZARIO

FURTADO IVANA MARIA

GUICO PIANO

HAQUE SIAM IKRA

JAN EMMANUEL GARCIA

JOSHI SUPRIYA

MARVIN SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with