Ginebra bagsak sa Globalport
MANILA, Philippines – Kakaibang enerhiya ang ipinamalas ng GlobalPort para silatin ang Barangay Ginebra, 98-77, sa PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Maagang nag-init si Terrence Romeo habang sumuporta sina Anthony Semerad, Alex Cabagnot at Keith Jensen upang hindi papormahin ang Ginebra tungo sa kanilang pagsulong sa 5-5 baraha.
May 25 puntos si Romeo at 13 dito ay ginawa sa first half kung saan lumayo ang Batang Pier sa 52-31 iskor.
Magkasunod na jumper ang ginawa niya sa 11-0 bomba sa pagtatapos ng unang yugto para burahin ng Batang Pier ang 13-16 kalamangan at hawakan pa ang 24-16 bentahe.
Si Semerad ay naghatid ng 17 puntos, si Alex Cabagnot ay may 15 at si Keith Jensen ay may 11 pa para manatiling palaban ang GlobalPort sa mahalagang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Sa ikalawang laro, sumulong ang Rain Or Shine sa 7-2 record matapos igupo angPurefoods, 83-74. (AT)
GLOBALPORT 98 - Romeo 25, Semerad 17, Cabag-not 15, Jensen 11, Pinto 5, Buenafe 5, De Ocampo 5, Baclao 4, Caperal 3, Ponferada 3, Pringle 2, Nabong 2, Isip 1, Taha 0.
Ginebra 77 - Slaughter 21, Aguilar 14, Tenorio 11, Baracael 10, Yeo 6, Ellis 4, Caguioa 4, Mamaril 3, Helterbrand 2, Brondial 2, Monfort 0, Forrester 0, Urbiztondo 0, Reyes 0.
Quarterscores: 24-16, 52-31, 75-57, 98-77
RAIN OR SHINE 83 - Lee 18, Tang 11, Norwood 11, Quinahan 11, Uyloan 9, Belga 7, Cruz Jericho 6, Arana 6, Almazan 4, Ibanes 0, Chan 0.
Purefoods 74 - Mallari 12, Yap 11, Devance 10, Simon 9, Melton 8, Barroca 8, Pingris 6, Maliksi 5, Reavis 4, Taha 1, Allado 0, Gaco 0, Holstein 0.
Quarterscores: 16-17, 38-32, 60-54, 83-74
- Latest