John Lloyd solid Kapamilya pa rin, nakapag-isip nu’ng nasa Amerika
Ayos na rin pala ‘yung isyu na iiwan na raw ni John Lloyd Cruz ang ABS-CBN pagkatapos ng kontrata niya rito. Balita ng isang mapagkakatiwalaang source na in principle ay sinabi ng aktor na pipirma siyang muli sa Kapamilya Network. Bukod dito ay wala na siyang masasabi pa dahil masaya ito at abala sa kanilang biyahe ni Angelica Panganiban sa US.
Gob. Vi hinihintay pa ang desisyon ni Luis sa pagtakbo sa Lipa
Ewan lang kung papatusin ni Gob. Vilma Santos ang pakiusap ng mga Lipeños na muli niyang balikan ang pagiging mayor ng Lipa, Batangas. Lubhang napakaaga pa raw para magkaro’n siya ng pagpaplano na may kinalaman sa pulitika. Sa ngayon, makatapos ang Ala Eh! Frestival ay gusto muna niyang gumawa ng pelikula at malamang ito ang uunahin niya sa mga unang buwan ng 2015.
Malamang hindi rin makapagdesisyon ang gobernadora dahil hindi pa naman isinasara ng kanyang panganay na anak na si Luis Manzano ang posibilidad na pumalaot ito sa mundo ng pulitika.
Kung tatanggapin ng mag-ina ang pagtakbo sa Lipa ay isang malaking pahulaan at palaisipan pa sa lahat.
Meryll nakasungkit ng Italyano habang nag-aaral sa London
Naging maganda para sa lovelife ni Meryll Soriano ang pag-aaral niya sa London dahil na-meet niya ang kasalukuyang nagpapaligaya sa kanya ngayon. Dumating ang Italyanong si Thomas Lazzarani sa bansa para dumalo sa book launching ng coffee table book ni Meryll na ginanap sa Bonifacio Global City kamakailan lang.
Let’s just hope na ang relasyon nila ay hindi makasagabal sa plano ni Meryll na matulungan ang ama sa pagpapatakbo ng negosyo nito dito kapag nakatapos na siya ng kanyang pag-aaral.
- Latest