^

PSN Showbiz

Mas lalong kaiinggitan ng mga katrabaho Rachelle Ann nasungkit ang Best Featured Actress sa UK/West End Awards

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nakabalik na si Kobe Paras ng Amerika pagkatapos niyang magbakasyon ng halos dalawang linggo dito sa atin.

Sinorpresa lang pala ni Kobe ang kuya niyang si Andre Paras na nag-celebrate ng kaarawan niya sa nu’ng November 1.

Nagkausap lang silang magkapatid sa Skype, at walang kamalay-malay si Andre na inaayos na pala ang pag-uwi rito ni Kobe.

Medyo sad lang si Kobe dahil hindi siya makakauwi sa darating na Pasko. Hindi raw kasi siya puwedeng mag-absent sa kanyang school dahil simula na raw ng season nila sa basketball.

PAK: Kung sa SM MOA Arena ang reception ng kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa Araneta Coliseum naman ang reception ng kasal nina JC Intal at Bianca Gonzalez sa December 10.

Kuwento ni Bianca, very memorable ang Araneta Coliseum sa kanila ni JC dahil doon sila nagkakilala. Kaya pinayagan naman daw silang gamitin ang Araneta para doon idaos ang reception ng kanilang kasal.

Pagkatapos ng kasal ay back to work daw sila agad dahil season din ng laro nina JC at si Bianca ay may trabaho pa rin.

Kaya sa susunod na taon na raw ang kanilang honeymoon na gagawin nila sa South America.

Sabi ng TV host: “Habang bata pa kami, habang may pera pa, habang wala pang anak, dun na kami sa pinakamalayo, sa pinakamahal.

“Kasi, ‘di ba ‘pag may family ka na, medyo iba na ‘yung gastos mo sa buhay.”

BOOM: Malamang na lalong kainggitan si Rachelle Ann Go dahil sa bagong achievement na nakamit niya sa West End.

Si Rachelle Ann bilang si Gigi Van Tranh sa Miss Saigon ang wagi sa kategoryang Best Featured Actress in a New Production of a Musical sa 2014 Broadway UK/West End Awards.

Lalo kayang kaiinggitan si Ra­chelle Ann ng nakaalitan nito sa grupo?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw sila nagkaayos ni Tanya Manalang?

Kaya nagpahiwalay ng tira­han si Rachelle Ann para hindi lang sila uli magkaroon ng isyu ni Tanya na hindi na umano nakakasundo sa grupo.

vuukle comment

ANDRE PARAS

ARANETA COLISEUM

BEST FEATURED ACTRESS

BIANCA

BIANCA GONZALEZ

DINGDONG DANTES

GIGI VAN TRANH

KAYA

KOBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with