^

Police Metro

Tatay pinatay sa harap ng kanyang mag-ina

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mismong sa harap ng kanyang mag-ina pinagbabaril ang isang lalaki ng hindi pa kilalang suspek na naganap kamakalawa sa Makati City.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang katawan at namatay habang dinadala sa Makati Medical Center (MMC) ay kinilalang si  Jesstony Saddie, nasa hustong gulang, ng  Villanueva St., ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon pasakay na ang biktima kasama ang kanyang misis at anak na 5-anyos na lalaki sa taxi sa harapan ng La Paz Building, kanto ng Salcedo at Rufino Sts., Legazpi Village ng biglang sumulpot ang suspek.

Kaagad na binaril sa ulo ang biktima at nang nakabulagta ay muli itong pinagbabaril ng suspek na kaswal lang na naglakad sa pagtakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng kaso sa motibo ng pagpatay sa biktima.

vuukle comment

JESSTONY SADDIE

KAAGAD

LA PAZ BUILDING

LEGAZPI VILLAGE

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

MISMONG

PATULOY

RUFINO STS

VILLANUEVA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with