Pihikan
Dear Dr. Love,
A blessed Christian greetings to you, Sir. Huwag na lang ibunyag ang identity ko at please, tawagin mo na lang akong Crystal.
Ako ay 30-anyos na pero believe me, napagkakamalan akong 20-years old lang. Dalaga pa ako at pihikan sa mga boys. Maraming nanliligaw sa akin.
Mga guwapo sila at mayayaman. Mga artistahin. Pero lahat sila ay turned down sa akin dahil nga sa aking pagiging pihikan.
Hanggang sa dumating sa buhay ko si Armand. Mukha siyang probinsyano at walang maipagmamalaking tikas o kisig. Hindi naman siya pangit pero kung itsura ang pag-uusapan, wala siya sa kalingkingan ng mga suitors ko.
Bagong empleyado siya sa aming opisina at ang table niya ay just across mine. Naging magkaibigan kami at naibigan ko ang ugali niyang maginoo at natuklasan kong siya ay sobrang talino.
We became so close at ngayo’y nanliligaw na siya sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang mahal ko siya. Naiisip ko baka pagtawanan ako ng aking mga katrabaho dahil lahat ng mga guwapong suitors ay ni-reject ko pero heto at natapat ako sa isang ‘di naman guwapo.
Please help me.
Crystal
Dear Crystal,
Ang gandang panlabas ay kumukupas pero ang kagandahan ng loob ay pangwalang-hanggan. Kung mahal mo siya, sa edad mong 30-anyos ay walang kaduda-dudang tama ang iyong desisyon.
Huwag mong intindihin ang sasabihin ng iba dahil buhay mo iyan at kinabukasan mo ang nakataya sa gagawin mong desisyon.
Isa pa, sa edad na 30 ay medyo malapit ka nang pag-iwanan ng biyahe kaya time to decide.
Dr. Love
- Latest