Blackwater vs Globalport; Purefoods kontra Ginebra Beermen balik sa porma
MANILA, Philippines – Bumangon ang Beermen mula sa kabiguan. Ngunit hindi ito naging madali. Ang offensive rebound ni Fil-Am guard Chris Ross sa huling 10.8 segundo sa final canto ang nagtakas sa 79-76 panalo ng San Miguel Beer laban sa NLEX para masolo ang ikalawang puwesto sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mindanao Civic Center Gymnasium sa Tubod, Lanao Del Norte.
Matapos ang kanyang offensive board mula sa dalawang mintis na free throws ni Arwind Santos ay isinalpak ni Ross ang isang charity sa natitirang 8.6 segundo para tiyakin ang panalo ng Beermen.
Kasalukuyang bitbit ng Alaska ang liderato sa kanilang 4-0 record kasunod ang San Miguel (4-1), Meralco (3-1), Barangay Ginebra (3-1), Rain or Shine (3-2), Talk ‘N Text (3-2), Globalport (2-2), NLEX (2-3), nagdedepensang Purefoods (1-2), Kia Sorento (1-4), Barako Bull (0-4) at Blackwater (0-4).
Nagtayo ang Road Warriors ng 10-point lead, 28-18, sa first period bago naagaw ng Beermen ang unahan sa 75-70 sa huling apat na minuto sa fourth quarter.
Nagtuwang sina Mac Cardona, Asi Taulava at Niño Canaleta para ibigay sa NLEX ang 76-75 bentahe kasunod ang jumper ni Chris Lutz at split ni Marcio Lassiter para sa 78-76 abante ng San Miguel.
Samantala, target naman ng Gin Kings ang masolo ang ikatlong puwesto sa pagsagupa sa Hotshots ngayong alas-5:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Sa unang laro sa alas-3 ay magtatapat ang Batang Pier at ang Elite kung saan puntirya ng Globalport ang kanilang ikalawang sunod na panalo.
San Miguel 79 - Lassiter 22, Lutz 13, Ross 12, Santos 12, Fajardo 11, Tubid 8, Mercado 1, R.Pascual 0, Chua 0.
NLEX 76 - Cardona 19, Taulava 13, Ramos 11, Canaleta 10, J.Villanueva 8, W.Arboleda 7, Baloria 6, R.Villanueva 2, Camson 0.
Quarterscores: 18-21; 42-40; 59-64; 79-76.
- Latest