^

Pang Movies

Iya sabay napanood sa ASAP at SAS kahapon! Ogie hindi nagkaproblema sa TV5 pag-apir sa ASAP

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagulat kami nang bumuluga pa rin sa ASAP si Iya Villania sa production number para sa promotion ng Hunger Games 3. Eh taped na ang episode kahapon ng Kapamilya Sunday show kaya nakahataw pa si Iya.

Nagbalik-Kapuso kasi si Iya this week nang muling pumirma ng kontrata. Click days pa nang nagsimula ang host-actress bago lumipat sa Kapamilya Network.

Siyempre pa, hindi maiwasang isipin ng mga tao na may kinalaman ang asawa na si Drew Arellano sa pagpirma ni Iya sa GMA. Kung puwede naman silang magsama sa isang network, bakit kailangan pa nilang maghiwalay ng istasyon, ‘di ba?

Pero ang nakakaloka, sa Sunday All Stars ng GMA, aba, may welcome tsu-tsu para kay Iya ang Kapuso stars, huh! Sa ASAP, hosting and dancing pa siya. Double compensation ang drama niya!

Sa nasabing episode rin pala ng ASAP, totoo nga tweet ni Ogie Alcasid na after 18 years, nagpakitang-gilas muli ang si­nger-songwriter na kinabog ang dibdib sa tsikahan niya with Gary Valenciano bago tumugtog at kumanta. Throwback na throwback ang portion niya dahil sa mga hit old songs ni Ogie na una niyang binanatan part by part, huh!

In fairness, maganda ang duet nila ni Gary Valencianco ng Kailangan Kita!

Buti na lang, TV5 artist na si Ogie kaya walang problema kung mag-guest siya sa ABS-CBN!

Pinangunahan na, Raymart ramdam na never na silang magiging magkaibigan ni Claudine

Suntok sa buwan ayon kay Raymart Santiago kung magkakabalikan pa sila ng asawang si Claudine Barretto ayon sa pahayag niya sa Startalk last Saturday.

Lalo lang nadagdagan ang gap nilang mag-asawa nang hindi pala nagkakaroon ng katuparan ang visitation rights ni Raymart para sa anak na sina Sabina at Santino. Naging isyu pa nga raw ‘yung pagpapahiram sa mga anak ng isang gabi lang sa burol ng yumaong ina, huh!

Tatlong araw lang sana ang hiling ni Raymart pero after one day, hindi na pinapunta ang dalawang anak dahil lamang sa ilang tao na nakiramay sa kanila.

Sa pahayag ni Raymart,  baka kahit ma­ging magkaibigan sila ni Claudine ay malayo ring mangyari, huh!

Vic sinigurong hindi na magloloko sa karelasyong si Pauleen

Wala na halos problema pa sa relasyon nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Open na sila sa publiko sa kanilang relasyon at maging sa pelikula ay nagsama na sila sa Sirena episode ng My Big Bossing.

In fairness ay tanggap na ng mga tao ang kanilang May-December affair. Ayon naman kay Vic sa isang interview, sa edad niya ngayon, hindi na kailangang magloko pa sa relasyon.

Wala nga lang makatanong sa dalawa kung makakasama sila sa mga celebrites na magpapakasal this and next year, huh!

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DREW ARELLANO

GARY VALENCIANCO

GARY VALENCIANO

HUNGER GAMES

IYA

IYA VILLANIA

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with