^

Pang Movies

Dinaan sa panunuhol female celeb sinulot ang drama actor sa ka-live in

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Para palang bakla ang female celebrity na ito na sobrang pabolosa sa isang drama actor na kanyang natipuhan.

Since nagsama sila sa isang teleserye, kahit na alam niyang may ka-live in na girlfriend ang drama actor, hindi niya tinantanan ito hanggang hindi niya ito naagaw.

Dinaan ni female celebrity ang drama actor sa pagbigay ng mga regalo. Kahit na walang okasyon ay parati raw may bigay na gift ang female celebrity kay drama actor.

Kapag nasa location naman daw sila ng kanilang teleserye, si female celebrity na ang bahala sa kakainin ni drama actor.

Sa isang taping nila, nagpa-cater pa ang female celebrity. Sinabi niya na para ito sa buong staff, pero ang totoo ay para ito sa kinahuhumalingan niyang drama actor.

Pati ang bakasyon sa ibang bansa ay sagot din ni female celebrity. Noong magbakasyon sa isang Asian country ang female celebrity kasama ang kanyang pamilya, pinadalhan din niya ng?round-trip?ticket ang?drama actor. Kung type nitong sumunod ay?tawagan?lang daw siya at aayusin daw nito ang hotel ac­commodations niya.

Dahil libreng trip at hotel, sinamantala na ni drama actor ang pagiging galante ng female celebrity na patay na patay sa kanya.

Dahil sa nangyayaring ito, nagawa nang makipaghiwalay ni drama actor sa kanyang ka-live in na girlfriend.

Nagising na lang daw ang girl na nag-iimpake na si drama actor at tinapos na nito ang kanilang relasyon.

Kaya ang mga dating kaibigan ni female celebrity, iniwasan na siya dahil sa ginawa nitong pang-aagaw sa drama actor mula sa girlfriend nito.

Oo at masaya sila ngayon, pero darating daw ang araw na pagsisisihan nila ang ginawa nilang pananakit sa isang taong inagawan ni female celebrity at iniwan ni drama actor.

Maricar hindi na magde-demanda ng pakikiapid!

Itinuloy na ni Maricar de Mesa ang pag-file ng annulment para mapawalang-bisa na ang kasal nila ng kanyang estranged husband na si Don Allado.

Noong nakaraang May pa nagkaroon ng problema sa samahan nila Maricar at Don. Hanggang sa gusto na raw ni Don na maghiwalay sila pagkatapos ng pitong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Kahit na alam ni Maricar na may ibang babae si Don (na kapangalan pa raw niya), ginawa pa rin daw niya ang lahat para maayos ang pagsasama nila. Pero si Don daw ang ayaw nang makipag-ayos at dinedma lang niya ang mga efforts ng kanyang misis.

Kaya walang choice si Maricar kundi mag-file na ng annulment pagkatapos ng ilang buwan. Nag-file rin siya ng separation of properties na maayos naman niyang nakuha ang mga nararapat sa kanya bilang legal wife.

Wala raw kasi silang pre-nuptial agreement at ikinagalit pa raw ni Don ang ginawa ni Maricar na maghati sila sa lahat.

Naghati na sila sa pinagbentahan ng bahay at sa ilang mga sasakyan nila. Pero may ilang properties daw si Don na ibinenta na hindi alam ni Maricar at pati ‘yung ibang joint bank accounts nila ay biglang nilipat ni Don sa pangalan niya.

“Naging mabait pa nga ako sa kanya. I only took half. ‘Yun nararapat lang sa akin. Pinakasalan niya ako na walang pre-nup kaya sorry siya.

 “Dun siya nagalit kasi akala niya hindi ko gagawin ‘yan. Eh nagkamali siya. Gusto niya ng annulment, puwes ‘yan ang ibinigay ko pero magbabayad siya!” tawa pa ni Maricar.

Kung tutuusin ay puwedeng kasuhan pa ni Maricar ang kanyang estranged husband sa pakikiapid nito sa ibang babae. May mga pruweba si Maricar pero hindi na lang daw niya ginawa ang magsampa pa ng kaso.

“May mga nagsabi sa akin na kasuhan ko sila kasi malakas ang laban ko. Pero huwag na lang. Hahaba pa ang kaso. I just want to get annulled. Ayoko nang isipin pa ng maraming tao na asawa pa niya ako.”

Balik sa trabaho si Maricar at kasama siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Big Bossing’s Adventures kung saan bida sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Direk Gina dinumog ng mga bading dahil sa ‘kadakilaan’ ng anak na si Geoff

Natatawa na lang si Gina Alajar sa mga lumalapit sa kanyang mga bading para sabihin na dakila pala ang kanyang anak na si Geoff Eigenmann.

Noong una raw ay nagtataka si Direk Gina kung bakit gano’n ang mga sinasabi sa kanya. Nalaman na lang niya na nagpaka-daring pala si Geoff noong rumampa ito sa Cosmo Bachelors Bash kamakailan.

“Hindi niya kasi ako pinayagan na manood. Gusto ko sana pero sabi ni Geoff, ‘No! Don’t watch mommy!

“Kaya hindi na ako nagtangka. The next day, ‘yun na nga, ang dami nang nagsasabi na gano’n pala si Geoff... ‘yun pala may ginawa pala siya na ikinalokah ng mga tao noong gabing iyon,” natatawang kuwento pa ni Gina.

 Alam naman daw si Direk Gina ang disiplina na ginawa ni Geoff in preparation para sa Cosmo Ba­chelor Bash. Kaya alam niyang physically ay handa ito.

 “Nagkaroon siya ng disiplina sa pagkain. Tapos he works out daily. Before hindi siya ganyan.

 “Pati manamit, puro mga oversize ang suot niya. Ngayon mga fitting na. Geoff went through a big change. Dala na rin ng mga pagbabago sa buhay niya,” ngiti pa niya.

Nagagawa pa rin ni Direk Gina na maasikaso ang kanyang mga anak kahit na busy ito sa kanyang trabaho bilang direktor ng bagong teleserye ng GMA 7 na Yagit.

vuukle comment

ACTOR

CELEBRITY

DRAMA

GEOFF

MARICAR

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with