^

PSN Showbiz

May nararamdaman pa raw Jennylyn tiniyak na iiyakan ang kasal ng ex na si Patrick Garcia

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Dinalaw daw ni Michelle Van Eimeren si Regine Velasquez sa taping ng Sarap Diva kahapon.

Nakakatuwa ang closeness ng ex at present wife ni Ogie Alcasid dahil naging bestfriends sila at suportado nila ang isa’t isa.

Nagbabakasyon kasi ngayon dito si Michelle kasama ang anak nila ni Ogie na si Sarah.

Kaya todo ang bonding nila na pati sa taping ni Regine sa Sarap Diva ay sinamahan niya ito.

Pero hindi pa ito mapapanood ngayong umaga dahil episode ito ng riot na patawa nina Ate Reg na impersonator at Ate Gay.

PAK: Pagkatapos na-shoot ni Anne Curtis ang international movie niyang Blood Ransom, kinausap daw niya sina Boss Vic del Rosario ng Viva Films na medyo iba raw ang pagka-daring niya sa pelikulang ito.

 “Medyo iba talaga, it’s different,” pakli ng Kapamilya actress na hindi makapaniwalang nagawa niya ang ganun ka-daring na eksena.

Hindi niya sinabi kung may suot siya o wala sa eksenang iyun pero mabuti at inalagaan naman daw siya ng direktor nilang isang Fil-Am na si Francis dela Torre at ng leading man niyang si Alexander Dreymon.

Sa October 29 na ang showing ng Blood Ransom, at nandito ngayon sa bansa ang Hollywood actor na si Alexander para tumulong sa promo nito.

Pagkatapos ng premiere night ay kaagad na lilipad daw sila ni Anne pa-Amerika para i-promote naman doon na naka-schedule ang showing sa October 31, in time for Halloween.

BOOM: Tingin ni Jennylyn Mercado ay maiiyak siya sa araw ng kasal ni Patrick Garcia.

All-out ang suporta ni Jennylyn sa kasal ng ama ng kanyang anak dahil naging okay na raw sila.

Kuwento ng Kapuso actress, lagi silang nag-uusap ni Patrick at naging close raw sila ni Nikka Martinez, ang babaeng pakakasalan ng aktor.

Natutuwa raw siya kapag dumadalaw sina Patrick sa bahay nila dahil nakakalaro ni Alex  Jazz ang kapatid nito kay Patrick at Nikka.

Si Alex Jazz daw ang ring bearer kaya tiyak na dadalo raw siya sa wedding na naka-schedule sa March ng susunod taon.

Hindi raw maisip ni Jennylyn kung ano ang mararamdaman niya kapag makikita niyang ikinakasal na si Patrick, ang lalaking minahal niya noon at ang nagbigay sa kanya ng anak.

 “Baka maiyak ako,” pakli ng aktres.

 “Baka maiyak ako sa tuwa, kasi si Patrick naman malaki ang part sa buhay ko. Anak niya si Jazz. Nagkaroon kami ng anak.

 “I think, karapatan kong maging masaya para sa kanya, kasi ang tagal niyang hinintay. Ang dami niyang pinagdaanan, ang daming pinagdaanan ni Niks (Nikka).

 “Finally, natuloy na rin. I’m very very happy for them. Hindi ako mawawala dun,” saad pa ni Jennylyn.

vuukle comment

ANNE CURTIS

BLOOD RANSOM

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

MICHELLE VAN EIMEREN

NIYA

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with