Raymond at Ruffa eeksena sa Formula 1 Grand Prix
Magaganap ngayon sa Singapore ang Formula 1 Grand Prix at sa pagkakaalam ko, may participation ang magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez dahil sila ang mga invited host.
Nagkaroon ng international hosting career si Raymond dahil sa reality show ng kanyang pamilya na hit na hit sa Southeast Asia, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez.
Hindi na bago kay Ruffa ang pagiging international host dahil umapir na siya noon sa isang show ng Disney sa Disneyland, Florida.
Malaki talaga ang naitulong ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa career ng Gutierrez family. Mismong ang big boss ng E! na si Scott Mackenzie ang nagsabi na sikat na sikat sa Indonesia, Malaysia, at Singapore ang pamilya ng Gutierrez dahil sa kanilang reality show.
Ang E! ang nakakatanggap ng mga imbitasyon para sa Gutierrez family kaya alam nila na talagang pinapanood sa ibang bansa ang kanilang top-rating reality show.
Peace and Order situation malala ang problema
Ang pagpaslang sa 75-year-old mother ni Cherry Pie Picache noong Biyernes ang isang patunay na may malaking problema sa peace and order ang ating bansa.
Pinatay si Mrs. Zenaida Sison sa sariling pamamahay kaya masasabi talaga na wala nang kaligtasan sa loob ng mga tahanan.
May kuwento ang mga empleyado ng GMA 7 tungkol sa bahay nila sa Scout area na pinasok ng mga masasamang-loob.
Hapon nang mangyari ang insidente kaya maliwanag na maliwanag pa ang paligid. Kahit ninakawan sila, nagpapasalamat pa rin ang mga biktima dahil walang sinaktan sa kanila. Itinali at ikinulong lamang sila sa banyo ng mga kriminal.
Nakatira rin sa Scout area sa Quezon City ang ina ni Cherry Pie. Dapat dagdagan ang seguridad sa naturang lugar para hindi na maulit o maiwasan ang krimen na nangyari.
Hindi natin masisisi ang mga tao kung naglalagay sila ng mga CCTV camera sa paligid ng kanilang mga tahanan dahil mas safe ang pakiramdam nila, lalo na nang mapatunayan na mga pulis ang mga involved sa kaso ng hulidap sa EDSA.
Derek at ex-wife malapit nang magkaayos!
Ang sabi ng mga reporter na nag-cover ng paghaharap nina Derek Ramsay at Mary Christine Jolly sa Makati City Prosecutor’s Office noong Huwebes, malaki ang posibilidad na magkasundo ang estranged couple pagkatapos ng kanilang private conversation.
Naniniwala ako na malulutas ang mga misunderstanding sa pamamagitan ng mahinahon at maayos na pag-uusap.
Sa kaso ni Derek at ng kanyang estranged wife, walang dahilan para hindi sila magkasundo alang-alang sa kanilang anak na si Austin na produkto noon ng wagas na pagmamahalan nila.
Siguro naman, mas marami ang good memories kesa bad moments ng relasyon noon nina Derek at Mary Christine.
- Latest