Lolo nangulila sa namayapang misis, nagbigti
MANILA, Philippines - Sa labis na pangungulila ng isang 75-anyos na biyudo sa namayapang misis ay tinapos nito ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kamakalawa sa loob ng kaniyang bahay sa Pandacan, Maynila.
Ang nasawi ay kinilalang si Felimon Mabeza, ng Lot 5, Block 5, Kahilum 3, Pandacan, Maynila.
Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang matuklasan ng manugang na si Raul Boloron ang pagbibigti ng biyenan sa loob ng kuwarto nito.
Nabatid na simula noong Pebrero 2014 ay naging malulungkutin ang biktima dahil sa pagpanaw ng misis at tila nawalan na ito ng gana na mabuhay pa nang hindi na ito nagkakain.- Ludy Bermudo-
- Latest