^

Bansa

Registration sa SK polls sinimulan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsimula na kahapon ang registration period para sa mga kabataan na lalahok sa 2015 Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Tatagal ng 10 araw ang pagpapatala na magtatapos sa Set­yembre 29, alinsunod sa Commission on Elections Resolution No. 9899.

Dahil dito, hinimok ng Comelec ang mga kabataang nasa 15 hanggang 17 taong gulang na bago o sa mismong araw ng eleksyon na samantalahin ang pagkakataon para makapagparehistro at makaboto sa Pebrero 21, 2015 SK elections.

Maaari umanong magtungo ang mga ito sa local Comelec office sa kanilang lungsod o munisipalidad upang magparehistro.

Para makatiyak na hindi na magpapabalik-balik, ang mga aplikante ay maaaring magdala ng certificate of live birth, baptismal certificate, school records at iba pang dokumento na makapagpapatibay ng kanilang identity at ku­walipikasyong makapagparehistro. 

Kinakailangan din umano sila ay may anim na buwan nang residente ng kanilang barangay.

Ang mga kabataang hindi nakapagrehistro noong nakaraang SK registration period na mula Hulyo 22 hanggang 31, 2013 ay ma­aari ring magparehistro ngayon.

Ang SK polls ay orihinal na nakatakda noong Oktubre 29, 2013 ngunit naipagpaliban ito alinsunod sa RA 10632 na nilagdaan ni Pangulong Aquino. (Ludy Bermudo)

COMELEC

DAHIL

ELECTIONS RESOLUTION NO

HULYO

KINAKAILANGAN

LUDY BERMUDO

MAAARI

PANGULONG AQUINO

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with