^

PSN Showbiz

Jodi nagiging choosy na!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mahigit dalawang taon nang namamayagpag sa telebisyon ang seryeng Be Careful With My Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Ayon kay Jodi ay maraming-maraming bagay na ang natutunan niya dahil sa paggawa ng nasabing soap opera. “I learn from Maya because she’s very positive. ‘Pag binabasa ko ‘yung script, sabi ko ‘Masyado na siyang positibo na minsan parang hindi posible’. But then, what I learned from her is it’s really about a matter of perspective. It’s how you see life, how you see things, it is possible. Her outlook in life is achievable. It’s just a matter of choosing to be positive,” paliwanag ni Jodi.

Dahil sa pagkakaroon ng magandang programa ay mukhang magiging mapili na raw ang aktres sa kanyang mga susunod na proyekto. “Siguro mas conscious lang ako sa mga susunod na proyektong gagawin ko. Kasi dito napatunayan ko ‘yung epekto ng isang programa sa kanyang manonood and I am praying na sana, sa susunod na proyekto ko, it’s something din na makakapag-impart ng good morals and values sa mga manonood. Kasi karamihan ng viewers natin ay bata and I think kailangan ang mapapanood nila is something na kapupulutan nila ng aral. Kasi ‘yung pinapanood nila minsan ginagawa nila eh,” pagbabahagi ng aktres.

Samantala, isa si Jodi sa mga bida ng pelikulang Maria Leonora Teresa na mapapanood na sa September 17. Minsan daw ay isinasama ng aktres ang anak na si Thirdy sa shooting nito. “Nagtatambay doon sa tent kung saan ginagawa ‘yung prosthetics. So natutuwa siya kung paano ‘yung proseso ng paggawa doon sa mga manika. Napakatapang ng anak ko,” kwento ni Jodi.

JM takot i-reject ng fans

Muling mapapanood sa telebisyon si JM De Guzman dahil kasama na ang aktor sa teleseryeng Hawak Kamay na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. Hindi raw inakala ni JM na makakabalik pa siya sa trabaho matapos ang kanyang pagpapa-rehab. “May araw na pakiramdam ko na ‘Wala na ‘to, wala na.’ Parang gano’n pero may mga araw na hoping na sige laban,” bungad ni JM.

Sobrang kinakabahan daw ang binata kung paano siya muling tatanggapin ng mga manonood matapos masangkot sa kontrobersyang may kaugnayan sa droga. “Nararamdaman ko po bukod sa excitement ay sobrang kaba kasi nga binigyan po ako ng isa pang chance na mag-artista. Fears ko magkaroon ng parang stigma ang tao and well bumagsak ulit and failure eh, rejection. Actually hindi ko naisip ‘yung stigma, parang naramdaman ko na lang. So okay lang, ” pagtatapat ni JM. Isang bagay lamang daw ang natutunan ng aktor dahil sa kanyang mga naranasang pagsubok. “Siguro para sa akin, kung babagsak ka man, bumangon ka,” giit ng binata.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BE CAREFUL WITH MY HEART

DE GUZMAN

HAWAK KAMAY

JODI

JODI STA

KASI

MARIA LEONORA TERESA

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with