^

PSN Palaro

UAAP briefs... Galanza pumutok vs FEU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa 94-71 panalo laban sa semifinalist nang Far Eastern University noong Linggo ang pinakamalaking laro ni team captain Bong Galanza para sa University of the East.

Umiskor siya ng career-high 26 points para palakasin ang tsansa ng Red Warriors sa playoff para sa Final Four ng 77th UAAP men’s basketball tournament.

“Ginawa ko lang ‘yung best ko,” sabi ni Galanza. “Lagi kaming pinu-push ni coach na huwag mag-relax dahil hindi pa kami out. Kailangan naming mag-work hard.”

Dahil sa naturang pagbibida ay hinirang si Galanza bilang UAAP Press Corps-Accel Quantum Plus/3XVI Player of the Week.

Tinalo ni Galanza sina Jeron Teng ng nagdedepensang La Salle Green Archers at si import Alfred Aroga ng National University Bulldogs para sa nasabing weekly honor na suportado ng Bactigel Hand Sanitizer, Mighty Mom Dishwashing at Dr. J Rubbing Alcohol.

UP sinilat ang Ateneo sa badminton

Lumapit ang University of the Philippines sa isang perpektong season mula sa 3-2 pagtakas sa nagdedepensang women’s champion Ateneo sa UAAP Season 77 badminton tournament noong Linggo sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Tinalo ni Jessie Francisco si Dia Magno, 21-18, 24-22, sa deciding singles na sumelyo sa tagumpay ng Lady Maroons.

Naunang kinuha ng Lady Eagles ang laro mula sa panalo ni reigning MVP Bianca Carlos kay Paula Bernardo, 21-11, 21-23, 21-16, sa first singles.

Tinalo naman ni Mary Ann Maranon si Trixie Malibiran, 21-18, 21-16, sa second singles para ibangon ang UP bago muling nakalamang ang Ateneo sa likod ng pananaig nina Magno at Carlos, 21-17, 21-13 kina Francisco at Maria Elisha Ongcuangco sa first doubles.

Nakatabla ang Lady Maroons sa Lady Eagles nang talunin nina Maranon at Mary Ann Caculitan sina Malibiran at Cass Lim sa second doubles, 21-15, 9-21, 21-14.

La Salle, UST jins sisimulan na ang kampanya para sa titulo

Sisimulan ng De La Salle University at ng University of Santo Tomas ang kanilang title-retention bids sa men’s at women’s division sa UAAP Season 77 taekwondo tournament ngayon sa The Arena sa San Juan.

Sa likod ni reigning MVP Kevin Sia, hangad ng Green Archers ang kanilang ika-siyam na titulo, habang asam ng Tigresses, babanderahan ni 2013 season MVP Nicole Cham, ang kanilang record na 13th championship sa nasabing four-day competition. (RC)

 

ALFRED AROGA

ATENEO

BACTIGEL HAND SANITIZER

BIANCA CARLOS

BONG GALANZA

GALANZA

LADY EAGLES

LADY MAROONS

TINALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with