Bawas-singil sa kuryente ngayong buwan
MANILA, Philippines - Magpapatupad ng 58 sentimo kada kilowatt hour (kwh) na bawas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Setyembre na may katumbas ng P116 na bawas kada 200 kwh na konsumo sa kuryente.
Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, na ang pagbaba ng singil ay bunsod ng magandang suplay ng kuryente na naranasan noong Agosto at bumaba rin ang generation charge ng .44 sentimo per kwh gayundin ang transmission charge na bumaba ng .04 sentimo per kwh. Nakadagdag din sa bawas-singil ang pagbaba ng singil sa buwis ng .08
sentimo per kwh.
- Latest