Dahil sa sex video Wally tsugi sa movie ni Bossing Vic
MANILA, Philippines - Hindi pala kasama si Wally Bayola sa festival entry ni Vic Sotto na My Big Bossing’s Adventure. Hiwalay muna sila ng partner na si Jose Manalo na todo ang shooting nitong weekend.
Wala namang problema kay Wally dahil nirerespeto niya ang desisyon ng mga producer. Sa halip na magtampo o kaya ay sumama ang loob, pinagbubuti na lang niya ang live performance niya sa Klownz, Zirkoh at sa mga out of town gigs na solo lang niya.
Siyempre, nandoon pa rin ang epekto ng kontrobersiyang kinasangkutan niya last year kahit isang taon na ‘yon matapos sumabog, huh!
At least, nandiyan pa rin sa Eat Bulaga si Wally hindi kagaya ni Paolo Bediones na nag-resign na sa TV5 at lumayas na sa mundo ng ilaw ng kamera!
Naglabas ng pruweba Enchong ibinandera ang girlfriend
Hayan, inihayag na ni Enchong Dee ang girlfriend niyang model na si Samantha Lewis. Matatapos na ang ispekulasyon ng karamihan na imaginary lang ang girlfriend niya, huh!
Naku, some people can be so cruel, huh! Ang bait-bait na tao ni Enchong lalo na sa press. Tapos, bibigyan pa nila ng kulay ang pagkakaroon niya ng relasyon.
Huwag nang intindihin ni Enchong ang intriga sa kanyang love life, huh! Kung saan maligaya ang puso niya, ‘yon ang sundin niya, ‘no?
Pagsasara ng kalye sa Quiapo dahil sa taping walang silbi
Sinasara talaga ang isang parte sa Quiapo tuwing may taping sa isang parochial school doon ang TV show.
Pero wala namang masyadong nagkakagulong tao kahit na nga sikat ang artistang bida sa programa at nagpupunta rin sa location, huh!
Eh, sa loob naman ng iskul ang taping ng programa kaya hindi namin makita ang logic ng pagsasara ng kalye, huh!
Enpress naghahanda para sa Golden Screen Awards for Movies
Bilang pinuno ng Entertainment Press Society, nagpapasalamat kami pati na ang aming members sa Puregold na tumulong sa aming civic project para sa kapuspalad na bata sa White Cross Orphanage sa San Juan City.
Sa tulong ng Puregold, nagsagawa ng gift-giving at feeding program ang ENPRESS sa mga batang inaalagaan doon. Bawat member ay naglaan ng oras para sa mga bata kasama na ang pagpapakain ng early dinner.
Nagbigay rin ang grupo ng donasyon kagaya ng pitong kahon na grocery items, cleaning materials gaya ng dust pan, mop, at soft brooms.
Matapos ang charity work, ang pagsasagawa naman ng 11th Golden Screen Awards for Movies ang pinaghahandaan ng ENPRESS next month.
- Latest