Mga bossing ng GMA may blessing na sa kasalang Dingdong-Marian
Nagpaabot na ng kanilang mga mensahe ang top executives ng GMA Network na sina Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon at GMA President and COO Gilberto R. Duavit, Jr. sa future Mr. & Ms. Jose Sixto Dantes III. Ipinaabot nila ang kanilang kasiyahan sa engagement ng Royal Couple ng GMA. Naalaala namin noong pumirma ng three-year exclusive guaranteed contract si Marian Rivera na binanggit ng dalawang GMA executives na hindi sila tututol kung gugustuhin man ni Marian na magpakasal ito.
Alam na kaya nina Atty. Gozon at Mr. Duavit na nag-propose na ng kasal si Dingdong kay Marian noong August 2, 2012, kaya ina-anticipate na nilang pwede na ngang magpakasal ang dalawa? Kaya masaya sila na after two years, ang second proposal ni Dingdong ay tinanggap na ni Marian. At before the year ends tuloy na ang kasalan na any day now, magkakaroon na ng official announcement and details ng wedding ang dalawa.
Carla kinaiinisan sa pagkukumpara sa demonyo kay Geoff
Na-sad naman kami sa sinabi ni Carla Abellana na pinatawad na niya ang ex-boyfriend na si Geoff Eigenmann dahil kung ang Diyos daw nagpatawad ng demonyo, bakit hindi rin niya gagawin. Hindi namin maisip na sasabihin iyon ni Carla, para tuloy ang sama-sama ni Geoff at napakalaki ng kasalanang nagawa sa kanya, samantalang siya naman ang nakipag-break dito.
Kausap namin ang manager ni Geoff at inaming nagagalit siya pero ayaw niyang mag-comment. Hahayaan daw niyang si Geoff ang sumagot pero sigurado raw siya, hindi magsasalita si Geoff bilang respeto sa family ni Carla. Sa amin naman, naaawa kami kay Geoff dahil hanggang ngayon, nagagamit pa siya ni Carla sa publicity nito ng kanyang mga projects.
Iza pasok na sa Aswang
Papasok pala si Iza Calzado in a cameo role sa Kubot: The Aswang Chronicles 2 na entry sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Gagampanan ni Iza ang role ng dating wife ni Dingdong Dantes. Sa ngayon, inaayos ng manager ni Iza ang schedule niya dahil bukod sa promo ng movie nitong Somebody to Love sa Regal Entertainment sa August 20, may horror movie siyang malapit na ring ipalabas, ang Maria Leonora Theresa, sa September 17. Isama pa sa busy schedule ni Iza ang halos daily taping niya ng teleserye nila ni Piolo Pascual, ang Hawak Kamay.
Bea at Jake papalitan ang BFF
Tiyak na matutuwa ang fans nina Bea Binene at Jake Vargas dahil may bago na silang soap na gagawin. Nakausap namin ang scriptwriter ng soap at may working title itong Strawberry Fields. May pagka-inspirational daw ang concept ng project. Sa story conference pa raw lamang malalaman kung sino pa ang bubuo sa cast at kung sino ang magdidirek. Ang bagong soap ang papalit sa My BFF nina Jillian Ward at Mona Louise Ray.
- Latest