^

Pang Movies

Dumalo pa sa fellowship ng Alcoholic Anonymous Robin Williams may problema rin sa datung

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang personal assistant ni Robin Williams ang naka-discover sa lifeless body niya sa loob ng kanyang kuwarto.

Ang sabi sa mga report, nakaupo si Robin sa silya nang makita siya ng shocked na shocked na PA.

May dahilan para mabigla ang PA dahil katatapos lamang ni Robin na dumalo sa meeting ng Alcoholics Anonymous ilang oras bago niya binigti ang sarili sa pamamagitan ng sinturon.

Bukod sa depression, may problema raw si Robin sa datung at isa ito sa mga ugat ng kanyang pagpapakamatay.

Ipinagluluksa ng Hollywood ang pagpanaw ni Robin na sinundan ng pagkamatay ng veteran actress na si Lauren Bacall.

Namatay si Bacall sa edad na 89.

Biyuda si Bacall ng Hollywood actor na si Humphrey Bogart at naging girlfriend siya ng sikat na singer na si Frank Sinatra.

Thalia nakakabuwisit ang pagiging echosera

Echosera ang Mexican singer na si Thalia na popular sa mga Pinoy dahil sa kanyang role bilang Marimar.

Pinaglaruan ni Thalia ang mga Pinoy nang sabihin niya na totoo ang tsismis na nagpatanggal sila ng mga tadyang para lumiit ang kanyang waistline.

Nag-post pa ang hitad sa social media ng picture ng mga buto ng tadyang na nakalagay sa loob ng garapon bilang pruweba.

Binawi ni Thalia ang kanyang pang-eeklay. Pinalitan niya ng litrato ng ulam na spare ribs ang picture ng mga tadyang sa garapon.

Gawain ng tao na hindi busy ang pang-eeklay ni Thalia. Kung naaliw sa ginawa niya ang ibang mga kababayan natin, naimbyerna ako sa kanya.

Joke man o hindi, hindi niya dapat ginagawang tanga ang lahi natin. Paano kung makarma siya dahil sa kagagahan niya? Paano kung mabalian nga siya ng tadyang? Hindi dapat sineseryoso at pinapatulan ang mga joke ng has-been na Marimar.

Josh Padilla at AkI Toria pasok sa Lucky 13

Member ng Lucky 13 si Josh Padilla. The who si Josh? Siya ang anak ng singer na si Gino Padilla at member ng Lucky 13, ang grupo ng mga hunk na contract stars ng Viva Artist Agency.

Lumabas na si Josh sa maraming TV shows. Nag-duet na rin sila ng tatay niya sa Paborito segment ng Sunday All Stars.

Pangarap ni Josh na sundan ang yapak sa showbiz ng kanyang ama. Mapapanood si Josh sa Talk Back and You’re Dead, ang pelikula ng Viva Films na showing sa mga sinehan sa susunod na Miyerkules, August 20.

Lucky 13 member din si Aki Torio, ang Japanese-Pinoy na mainstay ng Walang Tulugan.

Naging contract star si Aki ng TV5 at nagbida siya noon sa TV remake ng Bagets.

Mapapanood din si Aki sa Talk Back and You’re Dead bilang barkada nina James Reid at Joseph Marco.

Amy magiging sentro ng awayan

Si Amy Austria ang gaganap na old Kim Chiu sa Ikaw Lamang.

Hindi nakadalo si Amy sa presscon ng Ikaw Lamang noong Martes  kaya na-miss siya ng entertainment writers.

Matagal-tagal na mula nang mapanood si Amy sa isang te­leserye at personal choice niya na huwag munang lumabas sa TV.

Maganda ang role ni Amy sa Ikaw Lamang dahil siya pa rin ang sentro ng away nina Samuel at Franco. Si Joel Torre ang old Coco Martin (Samuel) at old Jake Cuenca naman si Christopher de Leon.

vuukle comment

AKI

AKI TORIO

ALCOHOLICS ANONYMOUS

IKAW LAMANG

JOSH PADILLA

NIYA

SIYA

TALK BACK AND YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with