^

PSN Showbiz

Janella isinasabong na kay Julia

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi katulad ni Julia Barretto na may malaking tampo sa kanyang amang si Dennis Padilla, walang ganitong na­raramdaman para sa kanyang amang si Juan Miguel Salvador ang Kapamil­yang si Janella Salvador. Kahit ang huli nilang pagkikita ay nung 10 taong gulang siya. Nagti-text naman sila, lalo’t birthday ng isa’t isa at napupunan naman ng kanyang inang si Janine Desiderio ang pagi­ging magulang sa kanya. Never niyang na-feel na walang siyang ama sa kanyang piling.

Bukod sa pagiging isang Kapamil­ya, isa na ring Regal Baby si Janella na nagdalaga na sa ser­yeng Be Careful with My Heart.

“Because of the show I am able to help my mom financially. It also opened many opportunities for me. I am grateful to ABS-CBN for all the work they’ve given me,” anang dalagita na ganito pa kaaga ay isi­­nasabong na kay Julia Barretto. 

Anak ni Gina naghahabol!

Hindi maaring ma-insecure si Gina Pareño sa kanyang anak na si Raquel. Marami ang hindi nakaaalam, pero isa rin itong artista at maituturing nang isang aktres, pero hindi sa pelikula o telebisyon, sa stage o tanghalan ito unti-unting nagkakapangalan. Nagwagi na ito ng Best Supporting Actress award para sa play na ginawa niya, ang Merchant of Ve­nice. Kaya naman mas pagmamalaki ang nararamdaman ng premyadong ina.

“Bakit hindi ko siya ipagmamalaki eh, kahit medyo natagalan bago siya nagpas­yang mag-artista ay madali siyang nakakahabol sa akin. Tatlo na ang kanyang mga bagets nang magsimula siyang lumabas sa stage. Proud din ako dahil puwede naman niya akong gami­ting tuntungan kung sa pelikula siya lulugar, pero mas pinili niya ang stage. With her award, feeling ko ako pa ang maghahabol sa kanya,” anang  bete­ra­nang artista na  nakatakdang maki-alternate sa kanyang anak sa Death of a Salesman.

Jeepney TV marunong makinig sa mga manonood

Pinangangatawanan ng Jeepney TV Channel ang pagsasaayos ng kanilang programming. Mula nang magreklamo ako sa mali-maling continui­ty ng kanilang palabas na Meteor Garden at May Bukas Pa ay hindi na ito naulit. Tuluy-tuloy na ang maa­yos na takbo ng palabas na nagpakilala kay Zaijian Jaranilla at sa ipinalit nila sa Meteor Gar­­­­den na My Girl. Ang dalawang palabas ay pina­no­­nood ko simula alas dose ng gabi.

Billy kayang talbugan ni JayR

Kung hindi pa dahilan sa pag-alis niya ng GMA ay hindi ko makikita na may talent pala si JayR bukod pa sa pagkanta. Maganda ‘yung exposure niya sa Gandang Gabi Vice where he was able to showcase his talent in breakdancing at mukhang kinabog pa niya si Billy Crawford. Bakit kaya siya pinakawalan ng Kapuso Network?

Worst typhoon…

It was the worst typhoon na naranasan ko. Bagaman at minsan nang kinalbo ng bagyo ang bubong ng aking three-story house sa Nova, Q.C. First time talaga na inilampaso ng bagyong Glenda ang lahat ng gamit ko sa aking third floor. Mula sa hawla ng aking lovebirds, mga malalaking halaman, at lahat ng laman nito. Bagaman at walang dingding ay napapalibutan naman ito ng grills. Kung wala akong grills, malamang pinatay na kami ng aking maid of honor ng napakaraming yero na tumama sa aking grills at mga sanga ng kahoy na inilipad ng hangin.

Pero sa lahat ng takot at sa kabila ng mara­ming dasal, nakakaluwag sa dibdib ‘yung mga dasal na pumasok sa cell phone ko bilang text. It was one time na nakita na naman ang pagiging matulungin at malapit sa Diyos ng mga Pinoy.

 

vuukle comment

BAGAMAN

BAKIT

BE CAREFUL

JULIA BARRETTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with