^

Bansa

Gigi hanggang Miyerkules pa sa Heart Center

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hanggang Miyerkules pa mananatili sa Philippine Heart Center (PHC) si Atty. Gigi Reyes, kapwa akusado ni Sen. Juan Ponce Enrile sa pork barrel scam, dahil sa mga test na gagawin dito ng kanyang mga doctor.

Ayon kay Insp. Aries Villaester ng Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP), Lunes pa umano ang isasagawang test at monitoring sa ginang at inaasahang mailalabas ng PHC ang medical abstract ni Reyes sa Miyerkules o Huwebes.

Ang medical abstract ni Reyes ang makapagsasabi anya kung dapat bang manatili ito sa ospital o hindi.

Sa kasalukuyan, nag­papahinga umano si Reyes sa tila ordinaryong kwarto ng ospital ngunit iginiit ng BJMP na intensive care unit (ICU) ito.

Nakakaranas pa anya si Reyes ng pagkahilo at may mga wire pang nakakabit sa katawan nito na konektado sa monitoring equipment.

Linggo ng umaga nang sumailalim si Reyes sa electrocardiogram (ECG) upang malaman ang kalagayan ng puso nito matapos umanong manikip ang dibdib at hirap sa paghinga.

Una nang sinabi ni Villaester na Sabado pa lang ay inaabangan na nito ang paglabas ng medical abstract ng PHC.

 

vuukle comment

ARIES VILLAESTER

AYON

GIGI REYES

HANGGANG MIYERKULES

HUWEBES

JUAN PONCE ENRILE

PHILIPPINE HEART CENTER

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with