^

Bansa

Smuggled goods sa Customs reding ipuslit

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi dapat matulog ang mga tauhan ng Bureau of Customs dahil sangkaterbang smuggled goods ang nakaporma para ipuslit papalabas ng pier kapalit ng malaking halaga ng salapi anumang oras mula ngayon.

Sinabi ng informant, hindi lang imported na mga bawang ang nakalaylay sa mga puerto sa Manila kundi pati mga ukay-ukay ay isasalya rin kabilang pa rito ang mga general merchandise galing China na minali ang deklarasyon para hindi magbayad ng tamang buwis.

Ayon sa source, hanggang sa sinusulat ang balitang ito hindi pa nagpa-file ng ‘entry’ ang mga broker na ginamit ng mga smuggler dahil naghihintay sila ng tamang timing para ipuslit ito papalabas ng puerto.

Sinabi ng source, inum­pisahan ng hatawin ang mga imported na mga bawang na hanggang ngayon ay walang pang ‘entry’ na ipina-file ang consignee dahil karamihan sa mga ito ay pinasok sa puerto ng walang import permit mula sa tanggapan ng Bureau of Plants and Industry (BPI).

Bilyon piso umano ang halaga ng mga container na may lamang smuggled goods sa bureau at anuman oras mula ngayon ay maglalaho itong parang bula dahil naka-ready ang mga magnanakaw sa mga shipment.

Sabi ng source, ready na ang mga bugok sa Customs dahil sila ang umaaktong teacher, para magturo ng gagawin sa dokumento, lawyer para mag-abogado kung ano man ang problema at doctor na gagamot sa palpak na dokumento para makaiwas ng malaki sa pagbabayad ng taxes and duties.

 

AYON

BILYON

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF PLANTS AND INDUSTRY

DAHIL

PARA

SABI

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with