Bakal bumagsak: 2 katao todas
MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang dalawa katao matapos na mabagsakan nang nalaglag ang tatlong malalaking bakal na beam sa kantina ng isang construction site ng ginagawang multi-level parking sa Greenhills, San Juan kahapon ng tanghali.
Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Jesus Ignacio, construction worker at Mica Miranda, empleyada ng kantina.
Sa imbestigasyon ni PO3 Ryan Pariñas, dakong ala-1:30 ng tanghali ay kasalukuyang kumakain ng tanghalian ang ilang construction worker nang bigla na lamang bumagsak ang tatlong metal na beam sa kantina.
Sinasabing dumulas habang iniaakyat ng tower crane na nasa 7th floor ang tatlong pirasong malalaÂking bakal at bumagsak sa kantina ng construction site ng multi-level parking sa Greenhills, San Juan City, sa ilalim ng pamamahala ng ARDI Construction Company.
Kaagad namang narekober ng mga otoridad ang bangkay ni Ignacio at habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin natatanggal mula sa pagkakaipit ang katawan ni Miranda.
Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang posibleng pananagutan ng construction firm sa insidente.
- Latest