^

Dr. Love

Kasunduan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ipinaaabot ko sa inyo ang isang masayang pagbati, Dr. Love. Tulad po ng iba, mayroon din akong suliraning nais kong isangguni sa inyo.       

Kung pwede’y huwag mo nang banggitin ang tunay kong pangalan. Tawagin mo na lang akong Ditas, 20 years old at isang company secretary.

Noong araw, nang binata pa ang aking ama, nakipagkasundo siya sa kanyang best friend na kung magkakaanak sila ng babae at lalaki, ito’y kanilang ipapakasal pagdating ng araw.

Dumating nga ang araw na ‘yon, niligawan ako ng anak na lalaki ng kaibigan ng aking ama. Pero papaano ito? May gusto nga siya sa akin, hindi ko naman siya type.

Sinabi ko na sa ama ko na ayaw ko sa lala­king ipinagkasundo niya sa akin pero nagma­tigas siya na hindi siya papayag sa gusto kong mangyari na huwag pakasalan ang lalaking iyon.

Kahit nag-iiyak na ako’y hindi ko siya makumbinsi. Problema ko pa ay sunud-sunuran ang aking ina sa tatay ko at wala akong ka­kampi maliban sa kuya ko.

Tama ba kung susuway ako sa aking mga magulang?

Ditas

Dear Ditas,

Susunod lang tayo sa ating mga magulang kung tama ang iniuutos sa atin. Hindi wasto na ang magulang ang magdidikta sa mga bagay na nauukol sa pag-ibig ng kanilang anak lalo pa’t ang mga anak ay nasa edad na, katulad mo.

Nasa iyo ang desisyon ngayon. Kinabukasan mo ang nakataya diyan at sa bagay na iyan ay ikaw lamang ang puwedeng magdesisyon. Nasa wastong edad ka na at wala nang disposisyon sa iyo ang mga magulang mo lalo na sa larangan ng pag-ibig. Counseling lamang ang puwedeng gawin ng magulang.

Dr. Love

DEAR DITAS

DR. LOVE

DUMATING

IPINAAABOT

KAHIT

KINABUKASAN

NOONG

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with