^

Pang Movies

Richard hindi pinatulan ang drama ng nanay ni Sarah

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inuurirat naman ang kasal kay Sarah Lahbati nang dumalo si Richard Gutierrez ng presscon ng GMA movie niyang Overtime matapos ang magarbong binyag ng anak nilang si Baby Zion. Sa Europe ang gusto ni Chard na maganap ang kasalan na kasama rin sa mga plano nila ni Sarah.

“But as of now, kasi we’re focused on so many different things. You know, si Zion, ang bilis ng development niya so everyday naka-focus kami sa kanya.

“At the same time, we’re balancing work. Nagta­trabaho kami ni Sarah. So ang hirap planuhin ngayon. I think at the right time,” katwiran ni Chard sa kaharap niyang press.

Ano ba ang meron kay Sarah at sa kanya niya piniling magkaroon ng anak? Noon kasi, never siyang naging open sa naging girlfriends niya, huh!

“Well, I fell in love with her and sometimes, you cannot explain that. We just really get along. Kumbaga, click kaming dalawa. Kahit anong bagay napag-uusapan namin. We laugh at the same jokes.

“And you know, Sarah’s very passionate about life. She’s very passionate about her craft as an artist. So, ‘yun. Eventually, na-attract ako sa kanya. Tugma kaming dalawa,” rason ng aktor.

Sobrang selosa raw ni Sarah?

“Hello?” biro ni Chard na parang hindi narinig ang question. “Ha! ha! Ha! Hindi. Hindi naman. Hindi selosa si Sarah.

“Alam naman niya na when it comes to work, wala namang dapat pagselosan. Ganoon din naman ako sa kanya.

“Wala naman siyang dapat pagselosan. Good boy na ako ngayon!” diin ni Richard.

Baka naman siya ang seloso, huh!

“Ahhh, siguro, throughout the years, nag-mature ako. I understand things better now. I see things differently. And alam ko naman…Of course, pagdating sa trabaho, wala namang problema. Kasi trabaho namin ito bilang artista. Wala namang dapat pagselosan,” depensa niya.

Kahit nine years ang age gap nila ni Sarah, na­ram­daman niya ang maturity ng nanay ni Zion.

“She’s very independent. Mature siyang mag-isip. Hindi siya ‘yung tipong sa age niya, puro party, puro gimik. Kumbaga iba ‘yung way of thinking niya.

“Mahilig magbasa. Madasalin,” saad pa niya.

Hindi ba nila naisip na magpakasal ng sikreto?

“Ahhh, kasi parang…Napag-usapan ‘yan actual­ly. Pero kasi, para sa amin, if we’re gonna do that, gusto namin na grand celebration! Gusto namin, nandoon ‘yung family. Parang ang lungkot naman kung kaming dalawa lang! Parang gusto namin nandoon ‘yung family namin,” sagot ni Chard.

Baka naman sa reality show nila eh may bagong rebelasyon at ‘yung kasal nila, huh!

“Wala nang revelations! Ito na ‘yon! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.

Ano ang malaking pagbabago niya ngayong tatay na siya?

“Pag ang isang tao, napuno ang puso mo ng pagmamahal, it will naturally lead you to the right direction. So I think right now, I’m in the right direction. I am very happy. Ahhh, I love baby Zion, I love Sarah so alam ko ‘yon. Parang…I am not spending time sa kahit anong negativity.

“We’re trying to move forward as a family and kumbaga, spend more time at home,” sey ng aktor.

Plano ba niyang dagdagan pa si Zion?

“Ahhh…Ha! ha! Ha! Marami ngang nagri-request eh. Dapat daw…Ha! Ha! Ha! Pero tingnan natin. Nasa tamang panahon ‘yan!” diin ni Chard.

Maging ang nakaiintrigang post ng mother in law niya sa Instagram account niya after ng binyag ay ayaw nang palakihin ni Chard. “

“Masaya ang nangyaring binyagan and I don’t want to react on that. Mapag-uusapan naman ng pamilya ang tungkol diyan kung meron man and we will settle it. No negativity now!” ulit pa ng aktor.

AHHH

ANO

BABY ZION

KAHIT

KUMBAGA

NAMAN

NIYA

SARAH

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with